PATNUBAY DE GUIA
NDF-SOUTHERN TAGALOG
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
MAY 13, 2020
Palayain ang 6 na mga inosenteng magsasaka ng Barangay Coral ni Lopez, Calaca, Batangas na iligal na inaresto ng AFP at PNP! Tutulan at labanan ang patuloy at tumitinding karahasang militar sa Timog Katagalugan! Ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte!
Mariing kinokondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDF-ST) ang panibago na namang karahasan at terorismo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pag-aresto sa anim (6) na inosenteng magsasaka ng Barangay Coral ni Lopez, Calaca, Batangas nuong madaling araw ng Mayo 10, 2020. Hindi bababa sa 45 sasakyan ang ginamit sa pag-atake ng pinagsanib na pwersa ng Special Weapons and Tactics Team (SWAT), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP at yunit ng 202nd Brigade ng AFP na tipikal na halimbawa ng kanilang notoryus na Synchronized Enhanced Military and Police Operation (SEMPO). Ang pag-atake ay ginawa sa dis-oras ng gabi habang mahimbing na natutulog ang mga mamamayan ng barangay. Sabayan at sapilitang pinasok ng mga operatiba ng AFP at PNP ang mga bahay ng mga di umano’y target ng search warrant. Tinutukan ng baril ang mga taong dinatnan sa bahay, agad silang pinalabas ng bahay upang malayang makapagtanim ng mga ebidensya ang mga operatiba ng PNP at AFP laban sa mga magsasaka.
Mariing pinabubulaanan ng NDFP-ST ang malisyosong paratang ng AFP at PNP na mga magsasaka sa umaga at NPA sa gabi ang kanilang mga dinakip sa barangay Coral ni Lopez. Kailanman hindi naging mga NPA ang 6 na iligal na inaresto ng PNP at AFP. Sila ay mga lehitimong kasapi ng Samahang Magsasaka ng Coral ni Lopez (SAMACOLO) na aktibong nagtatanggol sa kanilang mga karapatan lalo na sa pagtatanggol sa lupang kanilang sinasaka mula sa pagtatangka ng panginoong maylupa na si Luis Lopez na mabawi ang Certificate of Land Ownership Award (CLOA) na hawak ng mga magsasaka batay sa mga butas na laman ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng dating rehimeng Cory Aquino.
Kabilang sa mga 6 na hinuli at ngayon kasalukuyang nakakulong sa Camp Vicente Lim sa Canlubang, Calamba, Laguna ay sina Leovino Julongbayan, lider-magsasaka at kagawad ng barangay at Virgilio Vidal, barangay secretary at lider ng SAMACOLO. Ang iba ay sina Marcelo Vidal, Doroteo Bautista, July Julongbayan at Roilan Tenorio pawang mga aktibong kasapi ng SAMACOLO.
Labis ang pinapakitang desperasyon ng pasistang rehimeng US-Duterte. Sa kabiguan nitong durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa probinsya, mga inosente at kawawang magsasaka ang kanilang pinagbabalingan. Hindi ito naiba sa nangyaring iligal na pag-aresto sa magsasakang si Lamberto Asinas ng Bundukin, Nasugbu, Batangas nuong Abril 16, 2020. Tulad ng ginawa nila kay Asinas, pinalalabas nilang mga NPA ang 6 na magsasaka ng Coral ni Lopez na kanilang hinuli dahil sa diumanong mga armas at eksplosibo na kanilang natagpuan sa mga bahay ng mga ito. Pero ang katotohanan ay mga armas at eksplosibo na sadyang itinanim ng AFP at PNP bilang ebidensya laban sa mga kawawa at inosenteng magsasaka.
Walang matinong indibidwal ang basta na lamang maniniwala sa akusasyong ito ng AFP at PNP dahil batid ng taumbayan na mga pangkaraniwang magsasaka at kailanman hindi naging mga kasapi ng NPA ang 6 na magsasakang hinuli ng AFP at PNP sa barangay Coral ni Lopez. Batid din ng taumbayan ang talamak na modus na pagtatanim ebidensya ng AFP at PNP para bigyan katwiran ang kanilang mga iligal na pag-aresto at pagpapakulong sa mga pinaghihinalaan at inaakusahan nilang kaaway ng estado.
Dapat mariing kondenahin ng taumbayan ang mga katulad na pag-atakeng ito ng AFP at PNP sa mga magsasaka na ginawa sa panahon na ang buong bayan ay nakatuon sa pagharap at paglaban sa Covid-19. Malinaw na sinasamantala ng AFP at PNP ang kamay-na-bakal na pagpapatupad ng lockdown para isagawa nila ang kanilang maiitim na balak na supilin at atakehin ang mga mamamayang kritikal sa mga katiwalian ng administrasyong Duterte.
Patuloy na dumaranas ang mga magsasaka at mga katutubo ng rehiyong Timog Katagalugan ng walang kapantay na kalupitan at terorismo mula sa AFP at PNP lalo nang maluklok sa Southern Luzon Command (SOLCOM) ang berdugong si General Antonio G. Parlade Jr. Mula nang pumutok ang isyu ng Covid-19 sa bansa, nagpatuloy at walang patlang ang mga pag-atake ng AFP at PNP sa mga magsasaka at katutubo sa rehiyon kahit sa panahon na mayroon silang “pinapatupad” na unilateral ceasefire sa NPA. Walang lubay ito ang paghahasik ng karahasang militar at pag-atake ng AFP at PNP sa batayang karapatan ng mamamayan sa hibang na layunin nitong durugin sa loob ng natitirang panahon ng pasistang rehimeng US-Duterte ang rebolusyonaryong kilusan.
Ang kabiguang ganap na pinsalain ang rebolusyonaryong kilusan ay patuloy nitong ibinabaling sa pag-atake sa mga sibilyang komunidad at inosenteng mamamayan, upang bigyan ng hugis ang kanilang delusyon na nagtatagumpay ang kanilang anti-mamamayan at kontra-rebolusyonaryong kampanya..
Nakatutok sa kontra rebolusyonaryong digma ang malaking pwersa ng AFP at PNP sa rehiyong Timog Katagalugan. Ginagamit nilang kober ang di umanong paglaban sa Covid-19 para atakehin ang mga pwersang rebolusyonaryo at hindi upang maghatid ng anumang ayuda o tulong sa mga magsasakang labis na naapektuhan ng lockdown sa rehiyon. Ang mga mamamayang Pilipino ang kinakalaban ng pasistang rehimeng US-Duterte at hindi ang komon na banta sa pampublikong kalusugang hatid ng pandemikong Covid-19.
Dapat nating ilantad at labanan ang imbing pakanang ito ng pasistang rehimeng US-Duterte. Covid-19 ang kalaban at hindi ang mga inosenteng sibilyan. Dapat nating igiit ang sapat at mabilis at napapanahong pagdating ng ayuda mula sa gubyerno at labanan ang anumang uri ng karahasang militar lalo na ngayong humaharap ang taumbayan sa krisis na dulot ng pandemikong Covid-19 at kainutilan ng rehimeng Duterte.
Patuloy na ipanawagan ang pagsasagawa ng mass testing para mabilis na matukoy ang mga mayroong Covid-19 at agad na maisagawa ang pagkwarantina at contact tracing sa mga nakaugnayan ng mga nagpositibo sa Covid-19. Igiit na ipatupad ang mga kaparaanang medikal bilang mabisang hakbang sa paglaban sa Covid-19. Tutulan ang mga anti-demokratiko, anti-mamayan at militaristang paraan sa pagpapatupad ng lockdown.
Palayain ang 6 na mga inosenteng magsasaka ng Barangay Coral ni Lopez, Calaca, Batangas na iligal na inaresto ng AFP at PNP!
Tutulan at labanan ang patuloy at tumitinding karahasang militar sa Timog Katagalugan!
Ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte!
https://cpp.ph/statement/palayain-ang-6-na-mga-inosenteng-magsasaka-ng-barangay-coral-ni-lopez-calaca-batangas/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.