SPOKESPERSON
NPA-SOUTHERN TAGALOG
NEW PEOPLE'S ARMY
DECEMBER 24, 2019
Inaatasan ng Melito Glor Command – NPA Southern Tagalog (MGC – NPA ST) ang lahat ng mga yunit sa ilalim nito na mahigpit na tupdin ang magkatugong unilateral na deklarasyon ng NDFP-GRP sa tigil-putukan. Tatagal ito ng 15 araw at magkakabisa simula ngayong hating-gabi ng Disyembre 23 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Enero 7, 2019. Layunin nitong bigyan-daan ang mapayapang pagdiriwang ng sambayanang Pilipino ng Kapaskuhan at Bagong Taon at likhain ang paborableng klima sa muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.
Alinsunod dito, inilalagay ang lahat ng yunit ng BHB sa moda ng aktibong pagdepensa. Nangangahulugan itong ipatutupad ng mga yunit ng BHB sa ilalim ng MGC-NPA ST ang makatwirang pagtitimpi sa harap ng mga probokasyon ng AFP-PNP at ititigil ang mga pag-atake sa mga pwersa ng AFP-PNP at CAFGU na hindi nagsasagawa ng tuwirang pag-atake at naglulunsad ng operasyong militar sa loob ng mga larangang gerilya ng NPA.
Sa panahong umiiral ang unilateral at reciprocal ceasefire, kailangang panatilihin ang mataas na alerto ng mga yunit ng hukbong bayan laban sa pataksil na pagsalakay ng kaaway. Tiyaking nakahanda itong magdepensa sa sarili at ipagtanggol ang masa laban sa mga pag-atakeng gagawin ng mga yunit ng AFP-PNP-CAFGU laban sa NPA, mga kadre at kasapi ng Partido at laban sa rebolusyonaryong baseng masa. Hawakan ang pinakamaatas na inisyatiba at pumwesto sa aktibong depensa ang mga Pulang kumander at mandirigma. Pangalagaan ang masang saklaw ng larangan laban sa mga ilulunsad na operasyong militar at pulis sa panahon ng tigil-putukan.
Sa panahon ng tigil putukan, ilaan ng lahat ng yunit ng BHB ang pansin sa pagpapatuloy ng paglulunsad ng mga serbisyo sa relief and rehabilitation sa mga biktima ng Bagyong Tisoy sa saklaw ng mga larangang gerilya. Salubungin ang pagdiriwang ng ika-51 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas ng pagsisilbi at paglilingkod sa masa lalo’t ang rehiyon ang isa sa mga malubhang sinalanta ng naturang bagyo. Gawing simple na lamang ang pagdiriwang ng anibersaryo at pangunahing ilaan ang rekurso sa muling pagbangon ng kabuhayan at tahanan ng nasalantang mamamayan. ###
https://cpp.ph/statement/mgc-npa-st-mahigpit-na-tutupdin-ang-unilateral-at-magkatugong-deklarasyon-ng-ndfp-grp-sa-tigil-putukan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.