https://www.facebook.com/ptfelcac/photos/a.112802430134292/136140184467183/?type=3&theater
NPA na nagsimula bilang "child-warrior," Sumuko sa Militar, Pagkawasak ng kanilang Pamilya isinisi sa KARAPATAN at NPA
Sumuko ang isa sa mga nasa wanted list na NPA na inilabas kamakailan ng PTF ELCAC. Si Ka Shin/Shane na isang dating batang mandirigma ay nagsimula sa kilusan sa edad na 14. Siya at ang kanyang ina at mga kapatid ay sapilitang kinuha ng grupong Karapatan- Southern Tagalog na pinangunahan ni Glendell Malabanan upang mamundok dito sa Palawan.
Winasak ng KARAPATAN-ST ang pamilya ni Ka Shin at upang di sila makita ng mga kapatid na noon ay nakipagtulungan sa Philippine Army ay pinalitan din ng KARAPATAN-ST ang kanilang mga pangalan at pagkakakilanlan. Sila ay bininyagan at matagumpay na nirehistro sa ibang pangalan upang di na muling makita pa ng kanilang mga kapatid.
Ayon kay Shin, "Binago ng KARAPATAN ang pangalan ko, pero di nila maiaalis sa puso at isipan ko ang hirap na dinanas ng aking pamilya. Nagkawatak-watak kami at minsang makita ko sa facebook ang isa kong kapatid, ay pinagbawalan ako ni Ate Glendell Malabanan na makipag-ugnayan sa kanila sapagkat traidor daw ang aking mga kapatid na nagbalik-loob sa pamahalaan. Sinubukan kong magtagal pero napagod na rin po ako na lakad ng lakad sa bundok sa walang katuturang pinaglalaban nila. Hindi ko po nasubukan ang makapaglaro at maging bata, ninakaw ng NPA at KARAPATAN ang aking kabataan."
Sa paglipas ng mahigit isang dekada, ay tadhana na mismo ang nagdikta upang muling magKrus ang landas ni Ka Shin at ng kanyang mga kapatid. Sa pagkakahuli kay Glendell Malabanan, noong ika-4 ng Oktubre taong kasalukuyan ay naglakas loob na sumangguni sa mga militar ang nakatatandang kapatid ni Ka Shin na itatago sa pangalang Rachelle. Nakipag-ugnayan si Rachelle sa Joint Task Force Peacok at ibinigay ang impormasyon tungkol sa pagkuha ng grupong KARAPATAN-ST sa kanyang ina at mga kapatid.
Bagama't napalitan ng ibang pangalan at pagkakakilanlan, ay sariwa sa ala-ala ni Ka Shin ang kanyang tunay na pangalan at kanyang pinagmulan. Sa kanyang pagsuko ay nailabas nya ang katotohanang sinira ng NPA hindi lamang ang kanyang pamilya kundi ang kanyang buong pagkatao. Ginawa syang batang mandirigma, inilayo sa kanyang pamilya, at binago ang kanyang pagkatao.
Samu't saring emosyon ang nangibabaw sa muling pagtatagpo ng magkakapatid. Nalaman ni Rachelle na ang kanilang ina ay sumakabilang buhay na at inubos ang kanyang huling sandali sa panlilinlang ng KARAPATAN upang ito ay mag-aklas laban sa gobyerno.
Sa pagsisimula ng bagong buhay ni Ka Shin, paano siya haharapin ng Grupo ng KARAPATAN na sila mismong nagtanggal ng karapatan nito noon bilang isang bata na dapat sana ay naglalaro o nag-aaral? Paano sasagutin ng KARAPATAN ang pagpapalit ng bagong pangalan kay Ka Shin?
KARAPATAN nga ba ng taong bayan ang hangad ng Grupong KARAPATAN? O KABULUKAN NG NPA na magparami ng huwad na bayani upang labanan ang ating Pamahalaan?
[The Civil Relations Service (CRS) is the unit of the Armed Forces of the Philippines (AFP) that engages the public through its public information and community relations programs “to create a favorable atmosphere between the community and the AFP. The CRS is the equivalent of the Psychological Operations and Civil Affairs units of the US Army.]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.