Monday, October 21, 2019

CPP/Ang Bayan: Bitak sa militar sa likod ng pekeng balita

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Oct 21, 2019): Bitak sa militar sa likod ng pekeng balita

PILIT ITINATAGO NG mga pekeng balita ang matinding bitak at demoralisasyon sa loob ng militar at pulisya. Sa Kalinga, Abra at Ifugao, pekeng balita ang ipinantakip sa mga insidente ng barilan sa pagitan ng mga sundalo at CAFGU, at ng mga pulis.

Noong Agosto 15, dalawang myembro ng CAFGU ang napatay matapos makipagbarilan sa mga sundalo ng 24th IB sa loob ng kanilang kampo sa Sityo Mong-ol, Barangay Maguyepyep, Sallapadan, Abra. Pinag-aagawang ulam na golden kuhol ang dahilan ng insidente. Upang pagtakpan ang kapalpakan, nag-utos ang mga upisyal ng 24th IB na magsagawa ng pekeng labanan upang palabasing inatake sila ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Pekeng balita rin ang ipinagkalat ni Col. Henry Doyaoen ng 503rd IBde matapos magbarilan ang mga CAFGU at tropa ng 50th IB noong Marso 20 sa Kalinga. Magkahiwalay na nag-ooperasyon ang dalawang pangkat sa hangganan ng mga barangay ng Buaya at Mabaca sa Balbalan nang mag-engkwentro. Isang sundalo ang napatay sa sagupaan. Upang isalba ang reputasyon, ibinalita ng militar na nagkaroon ng labanan sa pagitan ng BHB at AFP, at mayroon pa umanong nasamsam na riple.

Isang elemento naman ng CAFGU ang pinatay ng nag-ooperasyong mga sundalo ng 50th IB sa Barangay Sakpil, Conner, Apayao. Nag-iigib noon ng tubig sa labas ng kanilang kampo ang naturang CAFGU nang paputukan ng mga sundalo. Noon namang Setyembre 29, dalawang pulis ang binaril ng kanilang kapwa pulis sa loob ng kampo ng Regional Mobile Force Battalion sa Banaue, Ifugao.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/10/21/bitak-sa-militar-sa-likod-ng-pekeng-balita/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.