From the Philippine Information Agency (Sep 11, 2019): Tagalog News: ELCAC Task Force binuo sa 3 bayan ng CamNorte
DAET, Camarines Norte -- Ipinahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbuo ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) sa tatlong bayan sa Camarines Norte upang malaman ang mga isyu at usapin sa insurhensiya sa barangay.
Kabilang sa tatlong bayan na mabibigyan ng ibat-ibang serbisyo mula sa pamahalaan ay ang Labo, Capalonga at Sta. Elena na kasama rin sa Geographical Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs) sa lalawigan.
Ayon kay Arnaldo E. Escober, Jr., assistant regional director ng DILG ng rehiyong bikol, batay sa Executive Order No. 70 na ibinaba ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, binuo ang Regional Task Force (RTF) sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Philippine Army (PA), DILG at National Economic Development Authority (NEDA) sa bawat isa.
Aniya, ang DILG rin ang inatasan na bumuo ng Task Force sa mga probinsya, lungsod, munisipalidad hanggang sa mga barangay.
Dahil dito, ang mga bayan ng Labo, Capalonga at Sta. Elena ay bubuo rin ng Municipal Task Force (MTF) kasunod ng Provincial Task Force (PTF) hanggang sa barangay.
Ayon pa kay Escober, kasama rin sa MTF ang Peace and Order Council at Municipal Development Council na bubuo ng 12 clusters na kaparehas ng ginagawa sa probinsiya at regional level.
Ang importante sa MTF ay makagawa ng mga komitiba tungkol sa Community Support Program na pinalawak at pagpapabutihin ng mga munisipalidad sa mga barangay upang mabigyan ang mga ito ng serbisyo mula sa pamahalaan.
Ayon pa rin kay Escober, ito ay kanilang pagpaplanuhan at direktang kakausapin ang mga barangay upang malaman ang mga isyu at usapin sa kanilang lugar. Sisikapin dn ng DILG na buuin ang mga Barangay Development Councils (BDC) at turuan sila sa tamang pagpaplano sa Barangay Development Process.
Ang barangay ay gagabayan ng DILG para sa maayos na pagpaplano at malaman ang mga pangangailangan ng mga barangay.
Ang lahat ng ito ay tinalakay sa isinagawang unang Regional Convergence for Sustainable Peace 2019 ng PTF-ELCAC na inilunsad sa Camarines Norte sa Sports Complex ng bayan ng Labo kamakailan. (LSM/RBM/ROVillamonte, PIA/Camarines Norte)
https://pia.gov.ph/news/articles/1027178
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.