San Jose, Occidental Mindoro- Mahigit limamput anim (56) na mga batang katutubong Mangyan ang nabiyayaan ng kagamitan pang eskwela at hygiene kit sa Naibuan Minority School ng Brgy Naibuan, San Jose sa pangunguna ng ROTARACT Clubs kasama ang DSWD, Punong bayan ng San Jose at ang 4th Infantry Battalion noong June 22, 2019.
Kasunod nito ang pagbibigay ng mga mono bloc tables and chairs at pagpipintura ng mga silid aralan. Tinuruan din ang mga magulang kung paano ang wastong paglilinis ng katawan at ang paghahanda kung sakaling may mga kalamidad kasabay ang pamamahagi ng mga First Aid kit kung saan ipinakita ng kasundaluhan ang paggamit nito.
Masayang nagpapasalamat ang mga estudyante, mga magulang at mga guro sa mga bumubuo ng aktibidad na ito lalo na sa ROTARACT Clubs sa pangunguna ni Mr Rhyan Satoquia sa DSWD at sa Punong Bayan ng San Jose.
Ipinapaabot ni Lieutenant Colonel Alexander Arbolado , Battalion Commander ng 4th IB ang taos pusong pasasalamat sa mga stakeholders sa pagbibigay ng tulong sa mga mag-aaral at sa mainit na pag tanggap ng eswelahan sa mga sundalo. Ito ay nagpapatunay na marami ang matutulungan sa pagakakaisa ng ibat ibang sector ng lipunan upang mapabuti ang kalagayan ng ating mga kapatid na katutubong Mangyan dito sa Occidental Mindoro.
4th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division Philippine Army
2LT KIMBERLY G VILLLUNA
Public Information Officer
Bulalacao, Oriental Mindoro
Contact No: 09171572280
2LT KIMBERLY G VILLLUNA
Public Information Officer
Bulalacao, Oriental Mindoro
Contact No: 09171572280
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace by the Philippine Army. It provides information on the activities of Army Units nationwide in the performance of their duty of Serving the People and Securing the Land. This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]
https://www.kalinawnews.com/limamput-anim-56-na-batang-katutubong-mangyan-nabigyan-ng-kagamitang-pang-eskwela-hygiene-kit-at-iba-pa/
https://www.kalinawnews.com/limamput-anim-56-na-batang-katutubong-mangyan-nabigyan-ng-kagamitang-pang-eskwela-hygiene-kit-at-iba-pa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.