CAMP CAPINPIN, Tanay, Rizal- Lumuluhang nagpahayag ng sama ng loob laban sa KARAPATAN Southern Tagalog ang kapatid ng NPA lider na namatay sa pakikipagsagupa sa mga miltar at pulisya sa Panaytayan, Oriental Mindoro noong Hunyo 13, 2019.
Ayon kay Gng Lornabeth M Galos, kapatid ng napatay na NPA lider na kinilalang si Bonifacio Magramo @Eboy, matagal na nilang gustong makita ang kanilang kapatid simula nang ito ay sumali sa NPA. “Sana man lang ay nabigyan kami ng pagkakataon na makita ang bangkay ng aking kapatid at maihatid ito sa huling hantungan,” lumuluhang pahayag ni Gng Galos. Ayon pa sa ginang, nahuli lamang sila dahil sa kadahilanang hindi agad naipabot sa kanila na ang kanyang kapatid ay namatay na. Bukod dito, hindi umano nakarating ang isang anak ni Magramo sapagkat tinawagan umano ito ng mga kasamahang NPA ni Magramo sa Palawan at binantaan na wag nang puntahan ang bangkay ng ama.
Si Magramo na taga- Sablayan, Occidental Mindoro ay kinikilalang mataas na opisyal ng NPA bilang Kalihim ng Sub-Regional Military Area, 4E sa Palawan. Matatandaan na sa nakaraang mga araw, ang Karapatan ay pumunta sa Istasyon ng Pulisya sa Mansalay, Oriental upang akuin ang nasabing bangkay. Iginiit ng Karapatan at ng kasama nila na nagpakilala na si Jessica Baes Alcos ay anak ng bangkay ni Magramo na kinilala nila na si Victor Alcos, isa ring NPA sa Batangas na sinasabing napatay naman sa pakikipag-sagupa sa mga militar noong nakarang taon.
Bagamat naibigay na ng pulisya ang bangkay ni Magramo sa nagpakilalang anak diumano na kasama ng KARAPATAN sa kadahilanang nahuli ng pagdating si Gng Galos, ay maaari pa rin umano habulin ng mga Magramo ang nasabing bangkay lalo na kapag lumabas ang DNA testing na isinasagawa ngayon ng PNP SOCO.
Tumagal ng ilang araw ang imbestigasyon sa mga bangkay at sa mga nagpakilalang kamag-anak nito dahil sa panggugulo ng KARAPATAN Southern Tagalog. Dahil sa pangingialam at mali-maling mga paratang ng mga ito sa awtoridad ay humantong ito sa pagsasagawa ng peace rally ang mga mamamayan ng Mansalay at Roxas City sa Oriental Mindoro para tapatan at kondenahin ang ginagawang pagra-rally at panggugulo ng mga miyembro ng KARAPATAN sa bayan ng Mansalay at Roxas City. “Ang sentro ng kanilang usapin ay guluhin ang proseso at madaliin ang pagkuha sa bangkay upang pagtakpan nila na ang isang napatay ay NPA kumander,” aniya ng isa sa mga nagsagawa ng anti-Karapatan protest rally. Naging kapansin-pansin din na matapos makuha ng KARAPATAN ang 3 bangkay ng NPA ay sumigaw diumano ang mga ito ng, “Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!” na ang ibig sa inglis ay New Peoples Army o NPA.
Ayon naman kay Lieutenant Colonel Alexander Arbolado, Battalion Commander ng 4th Infantry Battalion, ninanais lang ng mga kasundaluhan na masunod ang legal na proseso ng pagkuha ng mga bangkay upang mabigay sa tamang kapamilya at mabigyan ng maayos na libing. Ang paglitaw na kapatid ni Magramo ay isang patunay sa “dirty tricks” ng Karapatan upang ipagtanggol ang mga NPA. “Hindi rin natin maiaalis ang posibilidad na ginamit lang KARAPATAN ang pamilya Alcos upang papaniwalain sila na ang nasabing bangkay ay si Victor Alcos,” pahayag pa ni LTC Arbolado.
Sa kabilang banda, nananawagan naman si Brigadier General Marceliano Teofilo, 203rd Brigade Commander, sa lahat ng mamamayan ng Mindoro na lumaban upang panatilihin ang katahimikan sa probinsya. “Huwag tayong magpapadala sa mga matatamis na pananalita ng mga makakaliwang grupo tulad ng KARAPATAN sapagkat lahat ng ito ay magdudulot lamang ng kaguluhan kagaya nang ginawa nila sa mga nakaraang araw sa bayan ng Mansalay,” aniya pa ni BGen Teofilo.
Sinabi naman ni BGen Elias H Escarcha, ang pinakamataas na pinunong heneral ng 2nd Infantry Division na patuloy na magiging aktibo ang kasundaluhan ng 2ID sa pagbabantay sa kaayusan at katahimikan ng rehiyon. “Gagawin namin ang lahat upang mapigilan ang anumang banta ng terorismo o pananakot na dulot ng NPA o sinumang makakaliwang grupo”.
Sa kasalukuyan nagpapatuloy pa rin ang pinagsanib na operasyon ng militar at pulisya upang tugisin ang mga natitirang NPA na kasama ng napaslang na lider sa Mindoro.
Division Public Affairs Office 2nd Infantry Division Philippine Army
Cpt Patrick Jay Retumban
Chief, DPAO, 2ID, PA
Camp General Mateo Capinpin, Tanay, Rizal
09772771986
Cpt Patrick Jay Retumban
Chief, DPAO, 2ID, PA
Camp General Mateo Capinpin, Tanay, Rizal
09772771986
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace by the Philippine Army. It provides information on the activities of Army Units nationwide in the performance of their duty of Serving the People and Securing the Land. This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.