Saturday, May 11, 2019

NDF/NPA-Mountain Province: IYABANTE TI DEMOKRATIKO A REBOLUSYON TI UMILI INGGANAS BALLIGI!

NPA-Mountain Province propaganda statement posted to the National Democratic Front Philippines (NDFP or NDF) Website (May 11, 2019): IYABANTE TI DEMOKRATIKO A REBOLUSYON TI UMILI INGGANAS BALLIGI!

Pahayag ng Leonardo Pacsi Command (New People’s Army-Mountain Province) para sa Eleksyon 2019

Sa darating na Lunes, ika-13 ng Mayo 2019, ay maghahalal ang milyun-milyon nating mga kabaayan ng labindalawang senador, at mga opisyal ng gobyerno sa antas lalawigan, lungsod, at munisipalidad. Halos lahat ng mga kandidato ay nangangako ng mga programang tutugon sa mga pangunahing daing ng mamamayan: kahirapan, kagutuman, kawalan ng maayos na hanapbuhay, mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, at iba pa. Ang mga lokal na kandidato dito sa Kordilyera ay nangangakong isusulong ang rehiyunal na awtonomiya at karapatan sa sariling pagpapasya ng Kaigorotan.

Partikular dito sa Mountain Province, ang mga tumatakbong pulitiko ay nangangakong tutugunan ang mga pinsala ng mga nagdaang sakuna tulad ng bagyong Ompong, bagyong Rosita, at ng katatapos lang na El Nino, o di kaya naman nangangakong tutulungan ang mga maliliit na minero at ragadero na kasalukuyang kumakaharap sa government crackdown. Madami nang elelsyon ang nagdaan sa kasaysayan ng Pilipinas ngunit hanggang sa kasalukuyan, ang kalakhan ng mamamayan ay lugmok pa rin sa matinding kahirapan. Palaki nang palaki ang agwat sa pagitan ng mahirap at mayaman. Kahit ang pangakong “Change is coming” ng kasalukuyang rehimen noong nakaraang Eleksyon 2016 ay hindi dumating. Ang mga binatong pangako ay napako at nabigo.

Bagamat ang pagkakaroon ng mapayapa at malinis na eleksyon ay isang demokratikong karapatan ng mamamayan na dapat isulong at igiit, hinding hindi ito magaganap sa kasalukuyang sistemang malapyudal at malakolonyal na pinaghaharian ng mga imperyalistang dayuhan, malalaking panginoong maylupa at burgesya kumprador. Ang katangian ng eleksyon sa Pilipinas sa kasalukuyan ay reaksyunaryo. Ito ay labanan lamang ng mga naghaharing iilan na siyang magpapasya kung anong paksyon ang mamamayani at makakapagdambong sa kabang yaman ng bansa sa susunod na tatlo hanggang anim na taon. Bilyun-bilyong piso ang ginagastos ng mha kandidato sa pangangampanya, na maaaring bawiin sa korupsyon ng pampublikong pondo kung sakaling manalo.

Ang mga armadong puwersa ng gobyerno tulad ng AFP, PNP, at CAFGU ay nagsisilbing private security at private army ng mga pulitiko. Kabi-kabila ang batuhan ng putik ng mga nagbabangayang paksyon, at laganap ang karahasan at pandaraya. Ang mga progresibo at makabayang lider at kandidato ay nakakaranas ng matinding harassment, pagbabanta sa kanilang buhay, at pinagbibintangang mga taga-suporta ng CPP-NPA. Walang puwang para sa ordinaryong mamamayan, lalo na sa batayang masa ng manggagawa at magsasaka.

Habang patindi nang patindi ang krisis pang-ekonomiya at pampulitika sa bansa, sisiguruhin ng rehimeng US-Duterte na makakaupo sa puwesto ang kanyang mga manok mula sa Senado hanggang sa mga lokal na gobyerna, lalupa’t kontrolado niya ang Commission on Elections. Hindi ito papayag na manalo ang kanyang mga kritiko at karibal nang sa gayon ay siguradong maitatayo sa mabilis at lantad na paraan ang kanyang pasistang diktadura, mamonopolisa ang kapangyarihang pampulitika, makapaghuthot sa kaban ng bayan, at maibenta ang ating likas na yaman sa mga dayuhan.

Sa gitna ng matinding pasistang atake ng rehimeng US-Duterte, hinihikayat ang lahat ng mga makabayan at maka-demokratikong mamamayan na palakasin ang nagkakaisang hanay, at igiit at ipaglaban ang ating mga demokraikong karapatan. Makipagkaisa sa mga kandidatong handa at bukas na suportahan ang mga pambansa demokratikong programa tulad ng tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, at pagsusulong ng pambansang soberanya.

Dapat ilantad, ihiwalay, at itakwil ang mga kandidatong anti-mamamayan, anti-demokratiko, at tuta ni Duterte na magpapalakas lamang sa kanyang tiraniya. Dapat ring itakwil ng Kaigorotan ang mga nagpapanggap na kakampi ng ating laban para sa tunay na awtonomiya, ngunit sa totoo’y binebenta ang lupang ninuno at likas na yaman ng Kordilyera sa malalaking korporasyon at kapitalista. Higit sa lahat, dapat lumahok ang mamamayan sa armadong pakikibaka na siyang tanging paraan upang maitayo ang isang rebolusyonaryong gobyernong bayan na magsusulong at mangangalaga sa demokratikong interes ng mamamayan. Ang demokratikong rebolusyong bayan ang tanging landas tungo sa pagbabagong panlipunan.


REBOLUSYON, BAKEN ELEKSYON!

ITANDUDO KEN ILABAN DAGITI DEMOKRATIKO NGA INTETES TI UMILI!

IYABANTE TI DEMOKRATIKO A REBOLUSYON TI UMILI INGGANAS BALLIGI!

Leonardo Pacsi Command (New People’s Army-Mountain Province)

https://www.ndfp.org/iyabante-ti-demokratiko-a-rebolusyon-ti-umili-ingganas-balligi/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.