Sunday, May 5, 2019

CPP/NPA-Mindoro: 203rd Bde at PNP-MIMAROPA, panagutin sa walang habas na straping

NPA-Mindoro propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 4, 2019): 203rd Bde at PNP-MIMAROPA, panagutin sa walang habas na straping

MADAAY GASIC
NPA-MINDORO (LUCIO DE GUZMAN COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
MAY 04, 2019
Mariing kinukundena ng Lucio de Guzman Command – NPA Mindoro ang walang pakundangang pambobomba at pag-istraping na isinagawa ng pinagsanib na mga elemento ng 203rd Brigade Philippine Army at PNP-MIMAROPA sa mga komunidad ng katutubong Buhid sa sityo ng Masay ng Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro at mga sityo ng Buswak at Balya sa Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong Abril 30, 2019.

Nagdulot ng matinding takot sa mga katutubong Buhid ang ginawang pambobomba at pag-istraping ng militar sa mga komunidad at kaingin ng mga katutubo. Nagresulta ito sa paglikas ng mga katutubo sa kanilang komunidad, pagkasira ng mga bahay-kaingin at pagkamatay ng mga alagang hayop.

Abril 26 pa lang nagsimula na ang panghahalihaw ng operasyong militar sa mga sityo ng Timbangan, Mabanban, Saliding, Sangay, Myanaw, Mantay at Buswak. Bahagi ng operasyong ito ang pandarahas, pananakot at pagbabanta sa mga komunidad ng katutubo.

Isinagawa ng pasista at mersenaryong pwersa ng AFP-PNP ang pambobomba at pag-istraping bilang desperadong ganting aksyon nila sa matagumpay na operasyong isnayping na isinagawa ng isang yunit ng NPA noong Abril 29 at sa isa pang labanan noong Abril 30. Malubhang nasugatan dito ang dalawang myembro ng 203rd Brigade.

Upang pagtakpan ang pagkatalo sa NPA at ang kriminal na pananagutan ng 203rd Brigade at ng PNP-MIMAROPA laban sa mga katutubong Buhid, pinalabas ng mga bulaang kumander na sina Col.
Marceliano V. Teofilo, ng 203rd Infantry Brigade at Lt. Col. Alexander Arbolado ng 4th IB na-overrun nila ang isang kampo ng NPA sa sityo Masay, Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro. Nais ng mga itong lokohin ang taumbayan na nagtatagumpay sila sa kanilang mga operasyon laban sa NPA-Mindoro. Kabaliktaran, wala ni isang mang nasugatan sa mga myembro ng NPA at ligtas ang mga itong nakaatras. Ang katotohanan, mga karaniwang katutubong Buhid ang biktima ng kanilang pambobomba at pang-iistraping.

Nararapat na imbestigahan, panagutin at parusahan ang 76th, 4th IBPA at ng 203rd Brigade sa pambobomba at pag-iistraping sa komunidad ng mga katutubong Buhid. Lahat ng mga mamamayang nagmamahal sa mga katutubo ay dapat na gawin ang lahat ng makakaya upang makamit ito. Dapat ding ilantad ang panloloko nina Col. Marceliano V. Teofilo at Lt. Col. Alexander Arbolado at iba pang mga pakana ng AFP-PNP na palabasing natatalo na nila ang NPA.

Pinapangako ng NPA sa ilalim ng Lucio de Guzman Command na gagawin nito ang buong makakaya upang bigyan ng rebolusyonaryong hustisya ang mga biktima ng pasismo ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA alinsunod sa madugong kontra rebolusyonaryong gyera ng rehimeng US-Duterte.

https://www.philippinerevolution.info/statement/203rd-bde-at-pnp-mimaropa-panagutin-sa-walang-habas-na-straping/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.