Tuesday, April 30, 2019

Kalinaw News: Mga dating miyembro ng NPA na nagbalik-loob sa gobyerno nakatanggap ng benepisyo

From Kalinaw News (Apr 29): Mga dating miyembro ng NPA na nagbalik-loob sa gobyerno nakatanggap ng benepisyo



SAN JOSE, Occidental Mindoro – Nakatanggap ng binipisyo mula sa pamahalaan sa pamagitan ng Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ang labing isang (11) miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) at mga Milisyang Bayan (MB) na kusang nagbalik loob sa pamahalaan sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro ngayong araw ng sabado ika-27 ng Abril 2019.

Ang E-CLIP ay isa sa mga programa ng ating pamahalaan para sa mga rebelde at mga taga suporta nito na nagnanais magbalik loob sa pamahalaan at magkaroon ng pagkakataon na mag bagong buhay kasama ang kanilang pamilya. Layunin ng programang ito na ipakita sa ating mga kapatid na naligaw ang landas na seryoso ang ating pamahalaan na tulungan sila para sa ikabubuti ng kanilang buhay at pamilya.

Kung matatandaan, kamakailan lang noong nakalipas na buwan ng Marso umabot sa 1.2M halaga ang natanggap ng apat-napu’t isang (41) miyembro ng NPA na naunang sumuko sa 4th Infantry Battalion kasama na dito ang bayad ng kanilang baril na isinuko sa pamahalaan.

Sa pakikipagtulungan ng Lokal na pamahalaan at Sangguniang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa pamamagitan ng DILG at PSWDO sa pangunguna at pagpupursigi nina Hon Josephine R Sato, Congresswoman at ni Hon Mario Gene J Mendiola, Gobernador ng nasabing probinsya kasama ang kapulisan at ang 4th Infantry (Scorpion) Battalion sa pamumuno ni LTC ALEXANDER M ARBOLADO ay matagumpay na nabigyan ng paunang tulong at puhunan para sa kanilang pangkabuhayan ang mga nasabing nagbalik loob na rebelde sa pamahalaan.

Binigyan diin ni LTC ARBOLADO, na handa ang pamahalaan tanggapin muli at tulungan ang mga teroristang NPA na gustong mag bagong buhay. Sa mga aktibong miyembro ng NPA at taga suporta na nagsasawa na sa gawaing pang terorista at nabulag sa katutuhanan. Aniya, huwag na kayo mag alinlangan pa, dalhin na ang inyong mga armas at sumuko…may E-CLIP na naghihintay at handang tumulong sa inyo.

Kumakailan, sa isang panayaman kay Cong. Sato, na gusto niyang ipaabot sa mga NPA na tigilan na nila ang pang-aapi sa mga taong walang kakayahan na lumaban sa kanila, kung tunay silang may prinsipyo na sinsabi nila, patunayan nila ang tunay na pagmamahal at pag kalinga sa mga tao. Binigyan niya ito ng diin na ang pamahalaan lamang ang makakapagbigay sa kanila ng tunay na kaunlaran, ang pamahalaan lamang ang tunay na nagmamahal sa kanila. Aniya, ang ating mahal na pangulo naninidigan para mawasak at tapusin na ang kilusan ng mga teroristang NPA.

Patuloy parin nananawagan sa mamamayan at sa mga miyembro ng teroristang NPA ang 203rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Brigade sa pamumuno ni COL MARCELIANO V TEOFILO kasama ang Sangguniang Panlalawigan ng dalawang probinsya ng Mondoro na tuldukan na ang pagsusuporta at pagsama sa mapaglinlang at mapanggamit na teroristang grupong NPA at magbalik loob na sa pamahalaan upang matulungan na magbagong buhay.

Sabay sabay sinindihan ang simbulo ng partidong kumunista ng Pilipinas bilang pagpapakita na ito’y itinakwil na nila.

Pagbigay mensahe ni LTC ALEXANDER M ARBOLADO INF (GSC) PA Commanding Officer ng 4th Infantry Battalion

Ang panunumpa ng mga nagbalik-loob sa ating pamahalaan sa ilalim ng Republika ng Pilipinas, na itinatakwil ang anumang-uri ng gawaing terorista.




4th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division Philippine Army
2LT KIMBERLY G VILLLUNA
Public Information Officer
Bulalacao, Oriental Mindoro
Contact No: 09171572280

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.