Saturday, April 27, 2019

CPP/Ang Bayan: 31 sundalo, kaswalti sa mga atake ng BHB sa Abril

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Apr 21, 2019): 31 sundalo, kaswalti sa mga atake ng BHB sa Abril

Napataya ang 24 sundalo nang tambangan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Negros ang 62nd IB noong Abril 1 sa Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental. Noon namang Abril 9, pinasabugan ng BHB ang parehong yunit ng kaaway sa Sityo Asaran, Barangay Buenavista, Himamaylan City. Pitong sundalo ang nasugatan.

Compostela Valley. Tinambangan ng BHB ang tropa ng 71st IB sa Sityo Bagong Silang, Barangay Teresa, Maco noong Abril 3, alas- 6:45 ng umaga. Apat ang kumpirmadong napatay na sundalo. Kabilang sa nasugatan ang kumander ng yunit na si 1Lt. Serwin E. Matas. Bago nito, tatlong sundalo ng 66th IB ang napatay noong Marso 30, alas- 9:30 ng umaga, sa Sityo Dasuran, Barangay Golden Valley sa Mabini.

Matapos ang mga labanang ito, paulit-ulit na nanganyon at naghulog ng bomba ang mga yunit ng AFP.

Masbate. Dalawang pulis ang pinarusahan sa magkahiwalay na operasyong partisano ng BHB sa Barangay TR Yangco, Dimasalang at Barangay Bugang, Pio V. Corpuz. Ayon sa BHB-Masbate, aktibo sa mga operasyong “kontra-insurhensya” at kontra-mamamayan ang dalawang pulis. Nakuha mula sa kanila ang mga pistolang kalibre .45 at 9mm.

Samar. Dalawang sundalo ang napatay matapos paputukan ng BHB ang 543rd Engineering Construction Battalion sa kahabaan ng kalsadang umuugnay sa mga barangay ng San Antonio, Aguinaldo at San Isidro sa Las Navas, Northern Samar. Isinagawa ang opensiba noong Abril 15, alas 11:20 ng umaga habang nag-iinspeksyon ang mga sundalo sa kanilang proyektong kalsada sa ilalim ng PAMANA.

SA ORIENTAL MINDORO, inaresto ng BHB sina Peter Delos Santos, Rocky Bueta at Remando Malupa sa Barangay Malu, Bansud noong Abril 5. Gamit ang kanilang mga pusisyon sa barangay, arbitraryong dinadakip ng tatlo ang mga sibilyang pinaghihinalaang may kaugnayan sa rebolusyonaryong kilusan. Naniniktik din sila sa galaw ng BHB sa lugar. Nakumpiska mula sa kanila ang isang pistola, mga bala at dalawang radyo.

Pinalaya sina Delos Santos at Bueta habang nananatili sa kustodiya ng BHB si Malupa bilang bihag-ng-digma.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://www.philippinerevolution.info/2019/04/21/31-sundalo-kaswalti-sa-mga-atake-ng-bhb-sa-abril/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.