Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Binondo, Maynila Biyernes ng gabi.
Kinilala ang suspek na umano’y may kasong abduction ilang taon na ang nakalilipas na si Sudais Sali Asmad, 25, delivery boy, tubong Landang, Zamboanga, del Sur, at kasalukuyang nakatira sa Baseco Compound.
Si Asmad ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office’s Regional Special Operations Unit at Intelligence Group ng PNP sa Elcano St., Binondo matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya sa kanyang kinaroroonan.
Kinilala din ni NCRPO Director Police Director Guillermo Eleazar ang suspek sa alyas na “Abu Nas”, Alias “Suhud”, “Jul” at naakusahan ito ng pagkidnap sa 15 indibidwal.
Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong January 28, 2008 ni Hon. Judge Leo Jay Principe, Presiding Judge RTC Branch 1, 9th Judicial Region Isabela ,Basilan sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
Lumabas sa imbestigasyon na 15 empleyado ng Golden Harvest Plantation na matatagpuan sa Barangay Taira, Mantawan, Basilan ang kanilang kinidnap noong Hunyo hanggang Oktubre 2001.
Isa sa naging biktima ang positibong nagturo at nagbigay ng kanyang affidavit laban sa partisipasyon ni Asmad
Parte rin si Asmad ng grupo mula sa Basilan Province na dapat mag-augment sa grupo ng local terrorist sa ilalim ng Isnilon Hapilon sa panahon ng Marawi Siege.
Nasa Maynila umano ito upang tumanggap ng financial support mula sa mga sympathizers ng Dawlah Islamiya.
Nakuha sa suspek ang 45 kalibre pistol at magazine na loaded ng limang bala.
https://remate.ph/2018/12/22/umanoy-miyembro-ng-abu-sayyaf-huli-sa-binondo/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.