Wednesday, December 12, 2018

Tagalog News: IPs sa Agusan Norte kinondena ang mga NPA; nanawagan sa gobyerno na palawigin pa ang Martial Law

From the Philippine Information Agency (Dec 12): Tagalog News: IPs sa Agusan Norte kinondena ang mga NPA; nanawagan sa gobyerno na palawigin pa ang Martial Law

LUNGSOD NG BUTUAN - Kasabay ng selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR) dito sa lungsod, mariing kinondena ng mga Indigenous Peoples (IPs) sa Agusan del Norte ang pang-aabuso ng New Peoples Army (NPA) sa kanila at sila ay nanawagan sa pamahalaan na palawigin pa ang pagpapatud ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Datu Bawang Eddie Ampiyawan, IPMR ng Agusan del Norte, isang peace rally ang kanilang isinagawa dahil gusto nilang isiwalat ang kasamaan, kasinungalingan at pang-aabuso ng NPA sa mga katutubo.

“Sila (NPA) ang totoong umaabuso. Dahil sila ay pumapatay o pumatay sila sa mga katutubo na wala man lang kadahilanan lalu na sa mga lider namin. Gusto naming ipanawagan sa ating Pangulong Duterte na sana tuldukan na niya o tapusin na niya ang CPP-NPA-NDF. Hanggat may NPA pa lalu na dito sa ancestral domain sa tribu walang katahimikan, walang kapayapaan lalu na walang mangyayaring magandang kinabukasan sa mga katutubo,” pahayag ni Datu Ampiyawan.

Nakiusap din si Datu Ampiyawan sa pamahalaan na palakasin ang pagpapatupad ng seguridad dahil na rin sa patuloy na banta ng terorismo sa Mindanao.

Samantala, binigyang-diin ni Julieto “Tatay Boom” Canoy, na dating naging miyembro ng NPA, layon din ng aktibidad na ialerto ang publiko para makaiwas malinlang sa panloloko ng mga ito.

“Para sa amin na nanggaling sa CPP-NPA-NDF, alam namin na ang pag-martsa sa December 10 ng mga teroristang komunista ay paglinlang lamang sa masa, pero itong martsa/rally na ginagawa namin ngayon ay hindi paglinlang sa masa kundi isang recovery sa mga dati ng nalinlang at sumama sa grupo,” sabi ni Tatay Boom.

Maayos na natapos ang nasabing peace rally ng IP community sa lungsod ng Butuan at nagpalipad ng mga puting lobo na simbolo ng hangaring matamasa ang kapayapaan sa mga katutubo.

https://pia.gov.ph/news/articles/1016019

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.