October 29, 2018
Petsa- 22 ng Oktobre 2018 alas 4:40 ng hapon sa pagitan ng Brgy. Mainit at Sooc, Bato, Camarines Sur, matagumpay nanaisagawa ng isang tim ng BHB ang isang atritibong aksyon laban sa malaki at malakas na bilang ng kaaway. Napatay ang isang 2nd LT. at nasugatan ang isa pang sundalo sa isinagawang isnayping ng mga kasama sa nag-ooperasyong pwersa ng 83rd IB. Ang nasabing opisyal ay si 2nd LT. Jayson Predireck Pasco at ang sugatan ay may apelyedong Aquino. Matapos ang pangyayaring ito ay dumagsa ang dagdag pang pwersa ng 83rd IB na halos binuhos ang isang kompanya para tugisin ang maliit na bilang ng BHB sa lugar bilang ganti sa pagkalagas ng kanilang opisyal at pagkasugat ng isa pa. Umabot ng lampas isang linggong todo operasyon ang isinagawa ng 83rd IB sa ilang barangay ng Bato, Camarines Sur na pinaniniwalaan nila na malakas ang impluwensya ng CPP/NPA/NDF, para bumawi at ipakita sa taong baryo ang lakas nila nang sa ganon ay mapahina ang suportang masa sa mga kasama. Pero dahil alam ng masa na makatarungan at para sa kanila ang ipinaglalaban ng mga kasama, ligtas at nakamantine ang mga kasama sa lugar sa kabila ng ginawang operasyong dumog ng mersenaryong sundalo. Napatunayan din na kapag ginagamit at sinusunod ng mga kasama ang taktikang gerilya sa paglaban at pagharap sa malakas at malaking bilang ng kaaway ay di ito magtatagumpay na durugin ang mga kasama at ang buong rebolusyonaryong kilusan sa pamamagitan ng Oplan Kapayapaan o ‘all out war policy’ ng pasistang rehimeng US-Duterte.
Ang maliit na aksyong ito ay malaking sampal sa kaaway at pagkakaroon din ng hustisya sa patraydor na atake ng 83rd IB sa mga kasama sa lugar noong buwan ng Abril sa Brgy. Payak, Bato, CamSur na kung saan may isang kasamang naging martir, isang sugatan, hinuli at ikinulong. At pagpatay sa mag-amang rinatrat habang nasa pagkokopra at pagdakip ng tatlong sibilyan na idinawit o binibintangang kasapi ng NPA para pagtakpan ang mga paglabag sa batas ng Digmaan na nakasaad sa Geneva Convention.
Sa muli ay nagpapaabot ang Edmundo Jacob Command sa mga kasama/yunit sa lugar ng mainit pagbati sa isinagawang matagumpay na aksyon laban sa malakas na bilang ng kaaway. Nagpapasalamat din ang Edmundo Jacob Command sa lahat ng masang- api at mga kaibigan sa kanilang tuloy-tuloy na suporta sa CPP/NPA/NDF upang abutin natin sa hinaharap ang hinahangad na pagbabago at makalaya sa pang-aapi at pagsasamantala sa sambayanang Pilipino ng mga naghaharing- uri sa dikta ng imperyalismong Estados Unidos.
Mabuhay ang PKP-BHB-NDF!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
Pagbati sa darating na Ika-50 Anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas!
Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa ganap na tagumpay!
Labanan ang pasismo ng Estado ng Rehimeng US-Duterte!

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.