Christians for National Liberation
National Democratic Front of the Philippines
Sr. Carmela Amada
Spokesperson | CNL-Metro Manila
October 05, 2018
Desperado na ang reaksyunaryong gobyerno at ang berdugong militar sa pilit na pagpapalutang ng kathang-isip na sapakatang “Red October,” para takutin ang mamamayang Pilipino at bigyang katuwiran ang lumalaganap na tiranya at pandaharas ng estado.
Ang sunod-sunod na red-tagging sa hanay ng mga taong simbahan at pangrelihiyong institusyon, sa hanay ng mga kabataang-estudyante at mga unibersidad, bilang mga tagasuporta at kasapi ng Bagong Hukbong Bayan, ay lumang estratehiyang ginagamit ng militar para hadlangan ang lumalakas na ligal na pakikibaka ng mamamayan upang isulong ang kanilang batayang karapatan.
Hindi mahahandalangan ng mga pananakot na ito ang tuloy-tuloy na pagkilos ng masang Pilipino para sa tunay na reporma sa lupa, trabaho, desenteng paninirahan, edukasyon, at karapatan.
Niloloko ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang sarili sa paggigiit nito ng mga gawa-gawang akusasyon laban sa mga letihimong pangmasang organisasyon.
Nalalagay sa peligro ang buhay ng mga taong simbahan, mga aktibista, at organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao dahil sa mga walang batayan na bintang.
Ginagamit ng estado ang “Red October” para pagtakpan ang kapalpakan ng gobyerno ni Rodrigo Duterte na nagsadlak sa mamayan sa labis na kahirapan dahil sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya at paglala ng krisis.
Ginagawang sangkalan ng reaksyunaryong gobyerno ang gawa-gawang “Red October” para ilihis ang mamayang Pilipino sa tunay ng isyu ng pandarambong at laganap ng kurapsyon ng administrasyon ni Duterte.
Hindi na mahahadlangan ng imahinasyong “Red October” ang kusang pagbagsak ng rehimeng US-Duterte. Mas itinutulak nito ang mamamayan upang isulong ang makatarungang pag-aaklas at paggigiit ng kanilang karapatan.
Mariing kinukondena ng Christians for National Liberation (CNL) – Metro Manila ang mga pananakot at bantang ito ng AFP at ang patuloy na pandarahas sa mga alagad ng simbahan, kabataang-estudyante, at mga rebolusyunaryong aktibista.
Ang mga pandarahas na ito ay manipestasyon lamang na walang ibang paraan upang tuldukan ang pasismo at tiranya kundi ang pagsusulong ng armadong pakikibaka sa kanayunan.
Mas paiigtingin ng CNL – Metro Manila ang pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa hanay ng mga taong simbahan upang hubaran ang mapanlinlang at marahas na taktika ng AFP at ng gobyerno ni Duterte.
https://www.philippinerevolution.info/statement/payahag-ng-christians-for-national-liberation-metro-manila-hinggil-sa-red-october-at-ang-palyadong-taktika-ng-afp/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.