Thursday, June 7, 2018

CPP/NPA-Quezon: 85th IBPA, Muling inambus ng NPA-Quezon

NPA-Quezon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jun 5): 85th IBPA, Muling inambus ng NPA-Quezon

Ka Cleo del Mundo, Spokesperson
NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)

5 June 2018

Muling inambus ng New People’s Army sa ilalim ng Apolonio Mendoza Command sa lalawigan ng Quezon ang nag-ooperasyong sundalo ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army, kahapon pasado alas nuwebe ng gabi sa Barangay Cogorin Ibaba, bayan ng Lopez.

Dalawang magkasunod na labanan ang naganap, una ay nang ambusin ang isang trak na may sakay na sampung sundalo at ang ikalawa ay nang tambangan ulit ang mga magrereinpors na tropa ng Armed Forces of Philippines.

Sa mga naturang labanan, kumpirmado ang mga napaulat na patay at sugatang elemento ng Philippine Army habang wala namang naging kaswalti sa tropa ng pulang mandirigma na kaagad ring nakaatras matapos ang 20-minutong sagupaan.

Ayon sa AMC-NPA-Quezon, ang taktikal na opensibang inilunsad nila ay bahagi ng kanilang pagtatanggol sa komunidad ng magsasaka na saklaw ng pulang teritoryo ng rebolusyunaryong kilusan.

“Bagama’t nagbukas ang gubyerno ng Republika ng Pilipinas ng bagong bintana para sa usapang kapayapaan, patuloy naman ang atake nila sa mga baryo ng magsasaka, kaya naglunsad ng kontra-atake ang NPA,” pahayag ni Ka Cleo del Mundo, tagapagsalita ng AMC-NPA-Quezon.

Ayon sa tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan sa lalawigan, nagiging mapanganib at lumilikha ng matinding teror sa mga magsasaka ang operasyong militar. Kabaligtaran ito, ani del Mundo, sa sinasabi ni Duterte na likhain ang mapayapang kundisyon bago ang peace talks.

“Sa nakaraang isang linggo bago ang matagumpay na ambus, hindi bababa sa limang barangay sa tatlong bayan ang militarisado ng may isang kumpanyang sundalo,” dagdag ni del Mundo.

Ang mga nasabing barangay ay San Francisco B, San Miguel Dao, Veronica at Jongo ng bayan ng Lopez; Cauayan sa bayan ng Gumaca; at Bulagsong sa Catanauan.

“Hindi na makapunta sa kanilang mga niyugan ang magsasaka at napapabayaan na ang mga alagang hayop mula nang simulan ng pasistang tropa ang kanilang operasyon.”

“Nahihintakutan din ang mga residente sa sensus na ginagawa ng mga sundalo dahil sa nakaraan ay nagresulta ito ng mga pekeng pagpapasuko kagaya ng nangyari sa Barangay Jongo noong buwan ng Pebrero kung saan 11-magsasaka ang kasamang ipinarada sa Malacañang,” pagpapalawig ni del Mundo.

Bago pa ang pangyayari, may mga nauna nang pahayag ang AMC-NPA-Quezon sa nakaraang dalawang buwan na nagsasalaysay ng patuloy at walang humpay na atakeng militar sa mga magsasaka at Bagong Hukbong Bayan.

Noong Pebrero, tatlong magkakasunod na aksyong militar ang ginawa ng NPA-Quezon.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.