NPA-Sierra Madre propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jun 4): Pananalakay ng AFP sa Sierra Maadre-TK, patuloy na binibigo ng BHB
Armando “Ka Mando” Jacinto, Spokesperson
NPA-Sierra Madre (Rosario Lodronio Rosal Command)
4 June 2018
Sa pamamagitan ng serye ng mga kontra-opensibang aksyon ng mga pwersa ng BHB sa ilalim ng Rosario Lodronio Rosal Command (RLRC-NPA-Mt. Sierra Madre-Southern Tagalog Sub-Regional Command) ay matagumpay na nadepensahan nito ang sarili at ang mamamayan at matagumpay na binigo ang pananalakay ng mga pwersa ng AFP sa ilalim ng 80th IB-PA.
Naglunsad ng sustenidong pananalakay ang mga pwersa ng 80th IB-PA mula Enero 2018 hanggang sa kasalukuyan. Pinakatan nila ng tig-iisang platun ng sundalo ng AFP ang halos lahat ng sityo sa Barangay Umiray, General Nakar, Quezon at ang mga panabihan ng baybay dagat ng General Nakar, Quezon. Sinimulan nila ang panlilinlang at pananakot sa mga mamamayan ng nasabing lugar pangunahin na ang mga katutubong Dumagat at Remontados na naninirahan dito. Sa una’y sinikap ng mga pwersa ng BHB na iwasan ang mga tropang nag-ooperasyon subalit mas naging agresibo at marahas ang kanilang naging panunupil sa mamamayan upang hanapin ang mga pwersa ng BHB. Sa ganito ay naobliga ang BHB sa ilalim ng RLRC-NPA-Sierra Madre-TK na maglunsad ng mga aksyong militar para ipagtanggol ang sarili at ang mga mamamayan.
Noong Mayo 14, 2018, sa ganap na ika-4 ng hapon ay sinalakay ng 1 platun ng mga sundalong kabilang sa 80th IB-PA ang nagpapahingang 6-kataong tim ng NPA sa Sitio Panagsaan, Umiray, General Nakar. Quezon. Aktibong nagdepensa ang pwersa ng NPA at nilabanan ang umaatakeng tropa ng AFP. Nagresulta ito sa isang patay at isang sugatan sa panig ng sundalo. Ang namatay ay si Sgt. Salustiano ng 80th IB-PA habang walang kaswalti sa panig ng BHB.
Matapos ang nasabing labanan ay iligal na hinuli. tinortyur at ikinulong ng hindi ipinapakita sa pamilya at sa kanilang abogado ang mga katutubong Dumagat na sina Rocky Torres, 22 taong gulang, binata at si Dandoy Avellaneda Dela Cruz, mahigit 40 taong gulang, may asawa at mga anak. Ang 2 Dumagat ay nakatira sa Sitio Dadiangao, Umiray, General Nakar, Quezon na inabot ng mga nag-ooperasyon sundalo sa kanilang pansamantalang tirahan sa tabing ilog ng nasabing barangay. Sapilitan silang pinapaamin na myembro ng BHB at nang hindi umamin ay binugbog at sapilitang sinakay sa helicopter ng mga militar. Sila ngayon ay iligal na nakakulong sa kampo ng Southern Luzon Command (SOLCOM-AFP) sa Lucena City, Quezon.
Noong Mayo 24, 2018 ay inisnayp ng BHB ang nag-ooperasyong tropa ng 80th IB-PA sa Sitio Longo, Umiray, General Nakar, Quezon bandang ika-6 ng umaga. Nagresulta ito sa pagkamatay ng isang opisyal ng 80th IB-PA.
Bandang ika-1 ng hapon ay pinagtangkaang ambusin ng isang platun ng 80th IB-PA ang 3-kataong tim ng NPA na naglalakad sa tabing ilong ng Sitio Pilipit, Umiray, General Nakar, Quezon. Aktibong lumaban ang pwersa ng NPA at ligtas na nakaatras habang may mga nasugatan sa panig ng sundalo ng AFP.
Pagdating naman ng ika-4 ng hapon, Mayo 24, 2018 ay sinalakay ng isang seksyon ng sundalong kabilang sa 80th IB-PA ang nagpapahingang 3 kataong tim ng NPA. Aktibong nagdepensa ang mga pwersa ng NPA sa dikitang labanan na 10 metro ang pagitan. Habang naglalabanan ay dumating ang 2 helicopter ng AFP (MG 520) para suportahan ang kanilang tropa. Umikot ito ng 5 beses sa lugar na pinaglalabanan subalit hindi nagawang putukan o bombahin ang tropa ng NPA dahilan sa malaking posibilidad na madamay mismo ang kanilang mga tropa. Nagresulta ito sa pagkasugat ng ilang mga sundalo habang ligtas na nakaatras ng tropa ng BHB.
Mayo 27, 2018 ng ika-6 ng gabi ay hinaras ng tropa ng NPA ang isang platun ng sundalong kabilang sa 80th IB-PA na nag-ooperasyon sa Sitio Inamitan, Umiray, General Nakar, Quezon. Nagresulta ito sa ilang mga sugatan sa panig ng AFP habang ligtas na nakaatras ang tropa ng NPA.
Ang mga operasyon ng NPA laban sa mga umaatakeng pwersa ay para idepensa ang sarili at ipagtanggol ang karapatan ng mga mamamayan, magsasaka at katutubong Dumagat at Remontado na patuloy na dinadahas at lansakang nilalabag ang karapatang pantao. Hindi mapapayagan ng NPA patuloy na pinahihirapan ng mga sundalo ang mamamayan at winawasak ang kanilang buhay at ari-arian. Tungkulin ng NPA na lumaban para ipagtanggol ang mamamayan buhay man ay ialay kung kinakailangan. Patuloy na bibiguin ng mga pwersa ng NPA ang patuloy na pananalakay na gagawin ng GPH-AFP laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan.
Bagama’t aktibong lumalaban sa pananalakay ay patuloy na sinusuportahan ng mga pulang kumander at mandirigma ng RLRC-NPA-Mt. Sierra Madre ang napipintong muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng CPP-NPA-NDFP at Gobyerno ng Pilipinas (GPH) na kinakatawan ngayon ng Rehimeng US-Duterte. Nananawagan din kami sa Rehimeng Duterte na kagyat na ipahinto ang operasyong militar sa kanayunan na pangunahing pumipinsala sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan, magsasaka at katutubong Dumagat sa buong Sierra Madre-Timog Katagalugan dahil ang mga ganitong aksyon ng AFP-GPH sumisira sa klima ng napipintong pagbubukas sa usapang pangkapayapaan. Hanggang patuloy na aatake ang AFP-GPH sa mga teritoryo ng CPP-NPA-NDFP ay hindi maiiwasang lumaban ang NPA para depensahan ang sarili at ipagtanggol ang mga mamamayang dumaranas ng kalupitan, karahasan at paglabag sa karapatang pantao na ginagawa ng AFP.
Anuman ang maging resulta ng usapang pangkapayapaan ay hindi hihinto ang NPA sa tunay at tapat na paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
MABUHAY ANG NEW PEOPLE’S ARMY!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG NDFP!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!
https://www.philippinerevolution.info/statements/20180604-pananalakay-ng-afp-sa-sierra-maadre-tk-patuloy-na-binibigo-ng-bhb
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.