From ABS-CBN (Mar 31): 5 umano'y rebelde, sumuko sa militar kasabay ng NPA anniversary
Sumuko ang limang umano'y miyembro ng New People's Army (NPA) sa Western Command (Wescom) Joint Task Group North noong Marso 29, kasabay ng araw ng anibersaryo ng rebeldeng grupo.
'Lay down arms': Lorenzana challenges NPA on 'futile' anniversary
"Natutuwa po tayo dahil 'yun po ang ating panawagan sa kanila na instead of staging violent activities ay sumuko na lamang at harapin ang bagong buhay," ani Captain Cherryl Tindog ng Wescom Public Affairs Office.
Matipid ang militar sa pagbibigay ng detalye sa pagkakakilanlan ng mga sumuko dahil na rin sa pagpatay ng isang pinaghihinalaang miyembro ng NPA sa dalawang police asset noong Marso 2 sa bayan ng Sofronio EspaƱola.
Ang mga pinatay ay tumutulong anila sa pakikipagnegosasyon ng gobyerno sa mga sumusukong miyembro ng NPA sa Palawan.
"Gusto nating masigurado ang protection din ng mga sumukong rebelde, dahil lately may mga violent activities against dun sa mga kasamahan nila and we don't want it to happen to them," sinabi ni Tindog.
Base sa imbestigasyon ng Wescom, kahirapan, pagod, at korupsiyon ang dahilan ng mga rebelde kung bakit napili nilang sumuko na sa mga awtoridad.
Ipapasok naman sa Local Social Integration Program (LSIP) ng Palawan Provincial Government at Comprehensive Local Integration Program (CLIP) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga sumuko.
Layon ng mga programang ito na mabigyan sila ng tulong pinansiyal at hanapbuhay.
Wala namang naitalang insidente sa Palawan kaugnay ng naging anibersaryo ng NPA.
Gayunman, mananatili ang pagbabantay ng Wescom sa Palawan lalo na't dagsa ang mga turista sa lalawigan.
http://news.abs-cbn.com/news/03/31/18/5-umanoy-rebelde-sumuko-sa-militar-kasabay-ng-npa-anniversary
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete