NPA-Quezon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jun 21): Dalawang Matagumpay na Aksyong Pamamarusa ng NPA sa Quezon
Ka Cleo del Mundo, Spokesperson
NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)
21 June 2017
Binabati namin ang mga yunit ng Apolonio Mendoza Command ng New People’s Army na nagsagawa ng matatagumpay na aksyong militar noong gabi ng June 18, 2017.
Ang aksyong militar ay bahagi ng pamamarusa sa kapitalistang kumpanya ng Globe Telecom sa patuloy nitong di-pagkilala sa mga patakaran ng demokratikong gubyernong bayan sa lalawigan. Bago mag-alas otso ng gabi, matapos inyutralisa ang security guard, pinasabog ang mga kagamitang nagpapaandar sa communication tower ng Globe na nasa Bgy. Tuhian sa bayan ng Catanauan.
Bandang 10:30 ng gabi, tinambangan naman ng isa pang yunit ng NPA ang 6×6 trak ng 85th IBPA sa Bgy. Pala-Ajos sa bayan din ng Catanauan. Nasapul ng command detonated explosive ang trak na may lulan ng di-bababa sa 24 na sundalo.
Ayon mismo sa Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines, nagtamo sila ng kaswalti sa naturang insidente. Dalawang sundalo ang inamin nilang nasugatan, habang pinabulaanan ito ng mga ulat ng residente at kagawad ng barangay na hindi bababa sa 10 ang sugatan at may isang patay na sundalo.
Taliwas rin sa pahayag ni Major Virgilio Perez, tagapagsalita ng Solcom, walang naganap na palitan ng putok sa pagitan ng sundalo nila at ng mga NPA. Ang putukan na tumagal ng 15-minuto ay indiscriminate firing na nagmula lamang sa mga sundalo para pagmukhain na nagkaroon pa ng labanan.
Wala namang kaswalti sa bahagi ng NPA.
Ang mga aksyong militar ay pagtalima rin ng AMC-NPA-Quezon sa pambansang panawagan na biguin ang all out war ng AFP laban sa rebolusyunaryong kilusan sa ilalim ng Oplan Kapayapaan.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.