Monday, June 19, 2017

CPP/NPA-Panay: Sagot sa mga kasinungalingan ng PRO-6 hinggil sa matagumpay na reyd ng NPA sa Maasin

NPA-Panay propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jun 19): Sagot sa mga kasinungalingan ng PRO-6 hinggil sa matagumpay na reyd ng NPA sa Maasin (Response to the lies of PRO-6 regarding the successful NPA raid in Maasin)

Ka Julio Montana, Spokesperson
NPA-Panay (Coronacion Chiva “Waling-Waling” Command)

19 June 2017
Press Release

Walang katotohanan ang pinagsasabi ng mga matataas na opisyal ng PRO-6 na diumano’y kinuha ng NPA ang mga pera at alahas ng mga pulis ng Maasin sa panahon ng reyd noong umaga ng Hunyo 18, 2017. Sa pag-usisa sa mga kasamang nagsagawa ng operasyon, itinanggi nila na may dinalang pera o mga alahas mula sa istasyon. Hindi din totoo ang sinasabing pagyapak ng NPA sa ulo ng mga pinadapang pulis. Alam mismo ng mga naka-duty na maliban sa paggapos sa kanilang kamay para hindi makapanlaban, naging makatao ang pagtrato sa kanila ng NPA. Marahil mas masahol pa ang epekto sa kanila ang labis na panlalait ni Senior Superintendent Christopher Tambungan kahit na nasa state of shock pa ang kanyang mga tauhan.

Mali ding sabihin nga robbery ang ginawa ng NPA dahil ang kinuha ay mga kagamitang militar na ginagamit ng PNP laban sa rebolusyonaryong kilusan at sa mamamayan. Ang iba pang bagay na di sinadyang dinala at mapapatunayang personal na gamit ay ibabalik ng NPA sa mga kinauukulang may-ari.

Inaasahan ng NPA-Panay na gagawa pa ng iba-ibang estorya ang mga opisyal ng PRO-6 para takpan ang kahinaan ng kanilang hanay at kapalpakan ng matataas na opisyal at ang matagumpay na taktikal na opensibang ito ng NPA. Ganunpaman, hindi nito maitatanggi ang kasiyahan ng maraming masa sa matagumpay na aksyon ng kanilang Hukbo. Sa panig ng NPA, pinanghahawakan nito na ang anumang gawain ay kailangang tumutugon sa interes ng masa, at kung wala ang malakas nilang suporta, hindi matatamo ng Hukbo ang tagumpay sa mga pagsisikap nito.

Sa kabilang banda, pinupuri ng NPA-Panay ang disiplina ng mga Kasama sa kanilang pagsisikap na maiwasan ang madugong engkwentro, pagseguro na mailayo sa panganib ang mga sibilyan at makataong pagtrato sa mga nahuling pulis. Kinikilala din ng NPA-Panay ang wastong desisyon ng mga naka-duty na pulis na huwag nang lumaban nang makita nilang kontrolado na ng NPA ang sitwasyon. Dahil dito, naiwasan ang casualty sa tauhan ng magkabilang panig at sa mga sibilyan sa paligid.

https://www.philippinerevolution.info/statements/20170619-sagot-sa-mga-kasinungalingan-ng-pro-6-hinggil-sa-matagumpay-na-reyd-ng-npa-sa-maasin

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.