Friday, March 10, 2017

CPP/NPA: Pinakamataas na Pagpupugay at Parangal Para sa mga Tunay na Hukbo at Bayani ng Sambayanan

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 9):
Pinakamataas na Pagpupugay at Parangal Para sa mga Tunay na Hukbo at Bayani ng Sambayanan

Ibaling ang Pamimighati sa Rebolusyunaryong Katapangan!
Labanan at Biguin ang Anti-Mamamayang Oplan Kapayapaan ng AFP!

Pinakamataas na Pagpupugay at Parangal Para sa mga Tunay na Hukbo at Bayani ng Sambayanan!

Ka Cleo del Mundo, Spokesperson
NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)
9 March 2017

Pinakamataas na Pulang pagpupugay ang ipinaaabot ng Apolonio Mendoza Command (AMC-NPA) sa mga bayani ng sambayanan na sina kasamang Felicardo Salamat aka Ka Japson/Jelmon, Paul Aringo aka Ka Arki/Ka Junpio, Jomar Resureccion aka Ka Roro at Jeramie Garcia aka Ka Ash.

Magiting silang lumaban at nagbuwis ng kanilang buhay nang kubkubin ng pasistang pwersa ng 2nd Jungle Fighter Company na nasa ilalim ng kumand ng 85th IBPA, 201st Brigade at direktang pinamumunuan ng isang Captain Zander Khan Usman ang kanilang pansamantalang pahingahan sa sityo Umagos, Brgy. Camplora, San Andres, Quezon ganap na 2:45 ng hapon noong ika-7 ng Marso, 2017. Kasalukuyan noong nagsasagawa sila ng papulong sa mga residenteng magsasaka na may problema sa lupa at mga pagnanakaw ng kanilang hayop.

Pinakamataas na pagkilala at parangal kay Ka Japson, batikang mandirigma at kumander ng BHB sa Timog Katagalugan. Anak ng mga magsasaka sa bayan ng Guinayangan, Quezon, nagpultaym sa kanyang kabataang edad noong 1985 at mula noon ay nagsilbi sa Bagong Hukbong Bayan ng wala ni anumang rekord ng pamamahinga. Tatlumpu’t dalawang taon ng kanyang buhay ang walang pag-aaksayang ginugol at ibinuwis niya sa paglilingkod sa masa at pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan para sa pambansang kalayaan, demokrasya at sosyalismo.

Kilala bilang matapang na mandirigma at kumander ng BHB si Ka Japson. Nasugatan sa maraming labanan at nagkamit ng maraming matatagumpay na labanan sa harap ng kaaway. Nahuli at ikinulong ng kaaway ng 2 beses ngunit pagkalaya ay kaagad na bumalik sa rebolusyonaryong pagkilos at pagseserbisyo sa Hukbong Bayan ng walang pag-aalinlangan.

Tunay na bayani si Ka Japson, mahal ng mga kasama at masa, bilang kasama, kuya, tatay, kapatid at kaibigan. Inspirasyon sa lahat ang buhay na kanyang tinahak na tiyak na susundan ng libu-libong kabataan at mamamayan sa lalawigan ng Quezon, sa Timog Katagalugan at sa buong bansa.

Pinakamataas ring pulang pagpupugay at parangal ang ibinibigay sa 3 kabataang sina Ka Paul Aringo aka Ka Arki/Ka Junpio ng Metro Manila, Jomar Resureccion aka Ka Roro ng probinsya ng Cavite at Jeramie Garcia aka Ka Ash ng probinsya ng Laguna. Silang mga kabataan na sa maagang panahon ng kanilang buhay ay nagpasyang sumapi sa Bagong Hukbong Bayan at ilaan ang kanilang lakas at talino upang paglingkuran ang pambansa-demokratikong interes ng sambayanang Pilipino, laluna ng hirap, api at abang masang magsasaka at manggagawa.

Sila ang mga tunay na Hukbo at bayani ng sambayanang Pilipino. Kahanga-hanga ang kanilang katapangan at kasigasigan. Ang kanilang buhay ay hindi kailanman nasayang at ang tinahak nilang landas ay paparisan ng daang libong kabataan ng kasalukuyang henerasyon.

Sa kabilang banda, mariing kinukundena ng AMC–NPA ang paglabag ng pwersa ng 85th IBPA, 201st Infantry Brigade sa Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa Karapatang Tao at sa Internasyunal na Makataong Batas o Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Ang nasabing pinaglunsaran ng labanan nina Capt. Zander Khan Usman ay may dalawang bahay ng mga sibilyang magsasaka. Nagpaputok ang mga sundalo kahit kitang-kita nilang may mga bata na nakapaligid sa mga bahay. Katunayan, ang nadala nilang sugatang babae na 22 anyos na si Jennifer Yuson ay isang sibilyan na kagagaling lamang sa pay-out ng 4Ps. Kabilang sa isinama ng militar ang kapamilya ni Jennifer na may-ari ng bahay na si Teteng at isa pang sibilyan na nagngangalang Cristopher Redota.

Pati pinagbentahan ng kalabaw ni Teteng ay tinangay ng mga sundalo.

Mas masahol pa, ang apat na mga namatay na kasama ay pinabayaang nakabilad sa araw nang mahigit 24 oras. Hindi kaagad inilusong ang mga bangkay para madala sa punerarya. Ang mga Quick Reaction Team ng organisasyong nagtataguyod sa karapatang pantao at kinatawan ng mga lokal na organisasyong magsasaka ay hindi pinayagang pumasok sa erya ng pinaglabanan para makuha ang mga bangkay at iayos ang mga residente sa lokalidad. Resulta, hindi na halos makilala ang identidad ng mga bangkay ng mga kasama.

Malinaw lamang na walang kinikilalang karapatang tao ang AFP at di rin kumikilala sa makataong batas sa digmaan. Kailangang panagutan ng AFP ang malalaking paglabag sa panuntunan ng makataong digmaan.

Ang ipinamamarali ng AFP na Development Support and Security Plan KAPAYAPAAN ng gubyernong Duterte ay katulad din lang ng nakalipas na Oplan Bayanihan kung saan inihulma sa US Counterinsurgency Guide ng imperyalismong US. Ultimong layunin ng DSSP KAPAYAPAAN na mapanatili ang sistemang malakolonyal at malapyudal sa pamamagitan ng pagsupil sa mamamayang naghahangad ng rebolusyunaryong pagbabago.

Tungkulin ng lahat ng mga rebolusyunaryong mamamayan na puspusang isulong ang digmang bayan at labanan ang DSSP KAPAYAPAAN. Parusahan ang mga berdugong kaaway sa mga paglabag sa karapatang tao at makataong batas sa digma.

Nalulungkot tayo sa pagpanaw ng mga mahal na kasama. Ganoonman, ang ating kalungkutan at pamimighati ay mapapalitan at maibabaling sa ibayong rebolusyonaryong katapangan at katatagan. Nagkakamali ang pasistang AFP at ang rehimeng Duterte sa kanilang gising na pangarap na malilipol ang lumalabang mamamayan, laluna ang Bagong Hukbong Bayan.

Ang pagkamartir ng mahal na mga kasama ay nagsisilbing abono sa lupa upang yumabong ang rebolusyonaryong lakas at paglaban ng sambayanan. Papalitan ng libu-libong mga bagong mandirigma at kumander ang mga namartir na kasama. Bubuuin ang bagong mga platun, kumpanya at mga batalyon ng BHB at siyang dudurog sa pwersa ng AFP-PNP na nagpapapahirap sa masa. Lilikha ng daluyong ang kilusan ng sambayanang Pilipino na siyang lulunod sa kapangyarihan ng imperyalismo at lokal na mga naghaharing uri.

Mabuhay ang mga bayani ng sambayanan!
Damputin ang mga armas na nabitiwan at iputok sa kaaway ng mamamayan!
Isulong ang digmang bayan!
Mamamayan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

https://www.philippinerevolution.info/statements/20170309-pinakamataas-na-pagpupugay-at-parangal-para-sa-mga-tunay-na-hukbo-at-bayani-ng-sambayanan

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.