Friday, March 31, 2017

CPP/NPA-Camarines Sur: Mga Sibilyan, Pinaulanan ng Bala ng 9thID sa Pekeng Engkwentro sa Sipocot, Camarines Sur

New People's Army propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 31): Mga Sibilyan, Pinaulanan ng Bala ng 9thID sa Pekeng Engkwentro sa Sipocot, Camarines Sur (Civilians, bombarded by 9th ID, Fake encounter in Sipocot, Camarines Sur)

Michael Robredo, Spokesperson
NPA-Camarines Sur (Norben Gruta Command)

31 March 2017

Kasinungalingan ang pahayag ni Captain Ronnie Madriñan, ang OIC ng Division of Public Affairs Office (DPAO) ng 9thID, na nakapatay sila ng NPA sa limang-minutong putukan sa pagitan ng Army at ng NPA noong Marso 30 sa Sitio Traktora, Bagong Silang, Sipocot, Camarines Sur. Walang yunit ng NPA ang nasa lugar na ito noong panahong iyon. Walang engkwentrong naganap.

Noong Marso 30, bandang 3:00 ng hapon, pumunta ang mga elemento ng 9thID, na nakasakay sa dalawang van, sa nasabing lugar dahil nakatunog diumano ang mga ito na may
NPA dito. Subalit imbes na NPA ang mahanap at sugpuin, pinaulanan ng mga ito ng bala ang mga sibilyang naghihintay at nakatambay sa isang waiting shed sa nasabing lugar. Pinaslang ang sibilyang si Renel Mirabeles, habang ang dalawang binatilyong sina Joseph Sagario at Regie Loprandado naman ang malubhang sugatan. Dinakip naman at inakusahang NPA ang sibilyang
si Erick Madrona.

Upang pagtakpan ang kanilang kabiguan, inanunsyo ng 9thID na isang engkwentro ang naganap. Isa na naman ito sa mga serye ng kasinungalingang hinahabi ng AFP. Matatandaang noong Pebrero 7, ikinalat ng 9thID ang pekeng balitang engkwentro sa pagitan ng NPA at 902nd
Brigade sa Barangay Mambulo Nuevo, Libmanan.

Mga pekeng ulat at pagtarget sa mga sibilyan – dati nang kalakaran ng AFP, na mas pinatindi ngayon sa pagpapatupad ng all-out-war sa ilalim ng huwad na Oplan Kapayapaan ng rehimeng Duterte. Tila mga asong ulol, binubuntunan at sinisindak ng AFP ang mga sibilyan
upang pagtakpan ang kabiguan at kainutilan nito sa pagsugpo sa NPA. Sa paghahangad na makabawi sa isinagawang opensiba ng Norben Gruta Command noong Marso 18, mga sibilyan na lamang ang binalingan ng 9thID. Katulad ito sa nangyaring pagpatay ng AFP-PNP sa
magsasakang si Sonny Talay noong 2015 sa Pag-oring Nuevo, Libmanan, pagkatapos na maambus ng NPA ang AFP-PNP. Hanggang sa ngayon, hindi pa rin nabibigyan ng karampatang hustisya si Talay.

Mariing ginigiit ng Norben Gruta Command na dapat managot ang 9thID sa mga teroristang aksyon nito. Ang mga isinasagawang opensiba ng NGC ay bahagi ng pagkamit ng hustisya para sa mga biktima, subalit kailangan din ng sabayang aksyon mula sa mga mamamayan upang paakuin ang 9thID sa mga kasalanan nito. Kung hindi, magpapatuloy at mamimihasa lamang ang berdugong 9 th ID.

 Hustisya para sa mga biktima ng 9 th ID!

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.