From DWDD AFP Civil Relations Service Radio Website (Jan 20): Sec. Lorenzana nakipagpulong sa mga sundalo na nasa Sibutu Island
Camp Aguinaldo, Quezon City — Pumunta si Defense Secretary Delfin Lorenzana at ilan pang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines sa Sibutu Island upang bisitahin ang mga tropa na naroon at para na rin maipakita ang suporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo, kidnapping, piracy at iligal na droga.
Kasama sina AFP Chief of Staff General Eduardo Ano, Army Chief Lt. Gen. Glorioso Miranda, Navy chief Vice Amiral Ronald Joseph Mercado, Air Force Chief Lt. General edgar Fallorina at labing isa pang mga heneral at flag officers.
Pinangunahan ni Lorenzana ang pagpupulong kasama ang municipal at baranggay officials kasama si Sibutu Mayor Alshefa Pajiji at mga military commanders sa Tawi-tawi.
Binigyang-diin niLorenzana ang kahalagahan ng pakikipag-kooperasyon ng mga local leaders para sa ikabubuti ng bansa.
Siniguro pa niya ang kanyang masugid na pag-suporta para makatulong sa pagsugpo ng kriminal na gawain ng Abu Sayyaf at iba pang problema sa bansa.
Malaking pasasalamat naman ang inihatid ni Mayor Pajiji sa kalihim dahil umano sa pag reach out nito sa kanila. -EPJA
http://dwdd.com.ph/2017/01/20/sec-lorenzana-nakipagpulong-sa-mga-sundalo-na-nasa-sibutu-islan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.