Tuesday, January 17, 2017

CPP/NPA: US Interbensyon, itigil

NPA propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jan 17): US Interbensyon, itigil (Stop US intervention)



Jaime “Ka Diego” Padilla
Tagapagsalita
Melito Glor Command
NPA-Southern Tagalog

17 January 2017
Press Release
 
Ngayong araw muli nating gugunitain ang malagim na insidente ng malaking pagkawasak ng Tubbataha Reef sa Palawan. Binabati namin ang mga militanteng humarap sa US Embassy upang tutulan ang panghihimasok ng US, ibasura ang mga batas na nagpoprotekta rito at singilin sila sa pagkakasadsad ng USS Guardian sa Tubataha Reef.

Winasak nila ang isang world heritage park kung saan ipinagbabawal na maglayag ang mga barko para panatilihin at ipreserba ang kalikasan. Ito rin ang tirahan ng mga isda at iba pang lamang dagat na pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mangingisda sa bansa.

Ang presensya ng barkong pandigma ng US ay paglabag at pagyurak sa ating soberanya. Bunga ito ng mga di pantay na kasunduang pinirmahan ng mga nauna nang rehimen gaya ng Mutual Defense Treaty (MDT), Visiting Forces Agreement (VFA) at ngayon, ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Sa ilalim ng mga kasunduang ito, wala ni isang sundalong sakay ng USS Guardian ang nanagot sa malaking pagkwasak ng Tubataha Reef. Hindi rin sapat ang kumpensasyon na binigay ng US sa Pilipinas upang manumbalik muli ang Tubataha Reef.

Nakakabahalang masninanais pa ng reaksyunaryong gobyerno na proteksyunan ang kapakanan ng mga dayuhang yumuyurak sa kalikasan at pambansang soberanya ng bansa. Higit sa lahat, hinahayaan nilang isabatas at maging ligal ito.

Kailangang tuluy-tuloy na manawagan ang buong sambayanang Pilipino na ibasura na ang mga hindi-pantay na kasunduan sa pagitan ng Imperyalismong US at Pilipinas. Hinahamon namin ang gubyernong Duterte sa postura nitong anti-US na isagawa ang pagbabasura sa mga batas na ito.#

https://www.philippinerevolution.info/statements/98/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.