Maria Roja Banua
Spokesperson
NDFP Bicol Chapter
Spokesperson
NDFP Bicol Chapter
Inambus ng mga Pulang mandirigma ng Santos Binamera Command ang dalawang sundalo ng 2nd IBPA sa Brgy. Anislag, Daraga, Albay at sinabayan pa ito ng operasyong haras sa mismong Tactical Command Post ng 2nd IB sa Brgy. Maopi, Daraga. Samantala sa Isla ng Burias, Claueria Masbate naman, inilunsad ng Jose Rapsing Command ang taktikal na opensiba sa security patrol ng magkasabay na tropa ng AFP at PNP.
Napatay sina Pfc. Dario Manawis at Pfc. Jerome Sambrona at nasamsam ang dalawang .45 kalibre sa ambus habang sa Masbate nasugatan ang isang PO3 Johnson Ozaeta ng 5th Regional Public Safety Batallion ng PNP.
Sagot ito sa todo-todong operasyong militar sa dalawang probinsiyang nabanggit. Sa hangad na “zero insurgency” sa Albay sa taong 2016 halos tadtad ng detatsment at kampo ang lugar, tuloy-tuloy ang mga operasyong kombat at sabay na nilulunsaran ng operasyong PDT. Samantala, saklaw naman ng Oplan Musang ng 903rd Bde PA ang Masbate na ikinasa nila mula pa Abril 2014 hanggang sa kasalukuyan.
Sa gitna ng mga kalamidad, sunod-sunod ang mga paglabag sa karapatang pantao. Pamamaslang at pananakot ang ginagawa ng 2nd IB sa Albay. Nagtala ito ng di-bababa sa pitong (7) kaso ng human rights violations sa loob lamang ng buwan ng Hulyo at Agosto taong kasalukuyan at isang kaso ng pagpatay kay Edgardo Lopez ng Brgy. Bigao, Daraga, Albay noong Hulyo. Taliwas ito sa kanilang sinasabi na inaasikaso umano nila ang mga nasa evacuation centers mula noong bagyong Glenda noong Hulyo hanggang sa kasalukuyang kalamidad ng nagbabantang pagputok ng Bulkang Mayon. Ang mga krimen ng tropang kaaway sa mamamayan ay higit na perwisyo at traydor sa interes ng mamamayan kesa sa mga natural na kalamidad.
Katawa-tawa ang kasinungalingan ng tropang kaaway sa alegasyon nila na nambubulabog lamang ang Bagong Hukbong Bayan sa bawat matagumpay na taktikal na opensiba nito at nakakasagka sa mga ebakwasyon ng mamamayan kaugnay ng mga kalamidad. Mataas ang pagpapahalaga sa protocol of war para sa sibilyan.
Pinagpaplanuhan ito ng masinop at di nangingiming ikansela sa kabila ng malaking porsyento ng tagumpay kung mangangnganib na sibilyan. Sa abot ng makakaya nagsasagawa ng relip at iba pang serbisyo ang BHB hiwalay pa sa mga Humanitarian work ng mga minobilisang kaibigan.
http://www.philippinerevolution.net/statements/20141104_timbangang-mga-taktikal-na-opensiba-inilunsad-laban-sa-operasyong-pdt-at-oplan-musang-ng-afp

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.