Wednesday, October 22, 2014

CPP/Ang Bayan: Pag-aarmas ng AFP sa mga Lumad kontra-Lumad, binatikos

Propaganda article from the Tagalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Oct 21): Pag-aarmas ng AFP sa mga Lumad kontra-Lumad, binatikos (Arming AFP anti-Lumad Lumad, denounced)

Mariing binatikos ng Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KAMP) ang pagbubuo ng mga grupong paramilitar sa mga Lumad at pag-aarmas ng AFP sa kanila laban sa kanilang mga kamag-anak at katribo.

Layunin ng AFP na wasakin ang pagkakaisa ng mga Lumad, gamitin silang tau-tauhan sa inilulunsad na gerang Oplan Bayanihan at sa gayo’y bigyang-daan ang pagpasok ng mga dayuhang kumpanyang may interes sa mga yamang mineral at iba pang likas na yaman sa mga lupaing ninuno ng mga Lumad.

Mayroon nang 13 grupong paramilitar na Lumad sa buong Mindanao na patuloy na naghahasik ng terorismo sa mga komunidad ng mga Lumad at magsasaka. Sa Bukidnon, kabilang dito ang San Fernando Matigsalug, Tribal Datus (Sanmatidra); Bungkatol Liberation Front (Bulif); at ang New Indigenous People’s Army for Reform (Nipar) sa ilalim ng 8th IB. Kabilang din dito ang Salakawan o Wild Dogs (na binuo ng 402nd Infantry Brigade), ang Alamara sa Northern Mindanao at ang Task Force Gantangan-Bagani Force sa rehiyong Caraga.

Ang mga grupong ito ang nasa likod ng hindi bababa sa 11 kaso ng pagpatay sa mga Lumad at kanilang mga tagapagtaguyod.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20141021/pag-aarmas-ng-afp-sa-mga-lumad-kontra-lumad-binatikos

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.