Sunday, October 12, 2014

CPP: PFC Edwin Nazarionda, pinarusahan ng NPA

NDF propaganda statement posted to the CPP Website (Oct 7): PFC Edwin Nazarionda, pinarusahan ng NPA
Logo.ndfp
Maria Roja Banua
Spokesperson
NDFP Bicol Chapter
 
Pinarusahan ng Edmundo Jacob Command (EJC) ng New People’s Army (NPA) si PFC Edwin Nazarionda a.k.a Marjorie ng Philippine Army, 44 taong gulang taga-brgy Igbac, Buhi, Camarines Sur noong Oktubre 03, 2014 6:45 ng gabi. Nasugatan din ang isang CAFGU nang sumaklolo sa panahon na isinasagawa ang pamamarusa na di kalayuan sa 42nd Infantry Batallion Headquarter sa brgy Mabaludbalud, Tigaon, Camarines Sur.

Nais ilinaw ng Edmundo Jacob na marami itong krimeng pampulitika sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan kaya ginawaran ng karampatang kaparusahan.

1. Pagiging ahente ng kaaway na ang misyon, pasukin ang rebolusyonaryong organisasyong masa at pasukin ang hanay ng New Peolple’s Army (NPA) bilang Deep Penetrating Agent o DPA.

2. Ipinakubkob ang kasamahan at ipinahuli ang 5 nitong kasamahan sa loob ng ilang buwan pagkukunwari sa loob ng New People’s Army (NPA). Sa nasabing kubkob, naglubid ito ng dramang kasinungalingan na sya lang ang pinakalibre ng militar dahil pinaniwalaan daw syang pamangkin ng may-ari ng bahay na hinimpilan nila. Binigyan ng pamasahe at panload para makauwi sa pamilya at makabalik sa kasama para patuloy na makapagkunwari sa loob ng hukbo.

3. Pinasailalim ito sa masusing imbestigasyon kaya nag-AWOL umuwi kasama ang pamilya sa 42nd IB Headquarter sa baranggay Mabaludbalod, Tigaon, Camarines Sur. Lantarang ginamit ng kaaway sa black propaganda laban sa kasama, trinaydor ang mga masang tumulong sa kanya at sa kanyang pamilya. Walang pakundangan nagtuturo at nagpahamak ng mga ordinaryong masa na nagresulta sa pagpatay sa kanila sa bahaging Baao, Buhi, Sangay at Iriga na naikutan nya sa loob ng ilang buwang pananatili sa hukbo. Nagpapanggap na naging mataas ang ranggong sa NPA, kumilos daw sa loob ng mahiligit limang (5) taon para papaniwalain ang masa sa mga inilulunsad nitong aktibidad ng Civilian Military Operation (CMO) at nagpakubkob pa ng apat (4) beses sa mga Operasyong Militar sa Rinconada Area. Naging manggagantso o swindler sa loob ng simbahang kanyang kinaaniban habang kumukuha ng impormasyon para sa intel operation hanggang nilapatan ng disiplina ng hirarkiya ng simbahan bago naging NPA.

4. Naging instrumento sa estratehiya ng kampanyang saywar na bersyon ng Special Operation Team (SOT) sa walong (8) baranggay sa Buhi kasama ang pinagmulang brgy ng Igbak sa ilalim ng programang Sama-sama’t Sari-saring mga Serbisyo para sa Sambayanan (4S) ni Lt Col Lenart R Lelina INF (GSC) PA ng 42nd Infantry Batallion, 9ID, PA. Mapagkunwaring maghatid ng serbisyo sa populasyon sa ilang baranggay para hadlangan ang rebolusyonaryong adhikain ng mamamayan na baguhin ang sistema at gobyerno. Kinasabwat ang LGU sa pamamagitan ng nakaupong meyor sa lugar para palitawin ang mahusay na pagtutulungan ng gobyerno at pribadong indibidwal sa kampanya sa kontra-insurhensya.

Magsisilbi itong babala sa lahat ng saywar agent lalo na sa hanay ng sibilyan at burukrasya ng gobyerno na huwag magpagamit sa mga kontra-insurhensya saywar laban sa mamamayan. Sa natitipid ng militar nadadagdagan pa ang pondo para sa korapsyon ng mga matataas na opisyal ng Philippine Army katulad ng kanilang pinagsisilbihang “pork barrel king” na si Benigno Simeon Aquino na kumakanlong ng dayuhang interes sa bansa laban sa interes ng mamamayan.

Ipagtagumpay ang Rebolusyon!! Mabuhay ang Samabayang Pilipino!!!

http://www.philippinerevolution.net/statements/20141007_pfc-edwin-nazarionda-pinarusahan-ng-npa

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.