From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Aug 10): MILF pinatatahimik ng Palasyo
MILF Vice Chairman Mohagher Iqbal
Nakumbinsi umano ng pamahalaang Aquino ang mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na huwag ng magbigay ng anumang pahayag ukol sa naantalang Bangasamoro Basic Law (BBL) dahil nakaka-apekto umano ang baitkos kay Pangulong Benigno Aquino.
Ang BBL draft ay nasa Malakanyang pa rin hanggang sa kasalukuyan dahil sa patuloy na review ng legal team ng pamahalaan sa pangunguna ni Chief Presidential Legal Counsel Alfredo Caguioa upang masigurong hindi lalabag sa Konstitusyon ang anumang probisyon nito na binuo ng Bangsamoro Transition Commission (BTC).
Isinumite ang draft BBL sa Malakanyang noon pang Abril at dapat sana ay naipasa na ito sa Kongreso nitong Mayo bilang paghahanda sa referendum sa susunod na taon. Halos lahat ng nilalaman ng BBL ay binago ng Malakanyang ng walang konsultasyon sa BTC na binubuo ng 15 miyembro na itinalaga ng MILF at pamahalaang Aquino.
Ilang beses na rin nagpahayag ng pagkadismaya si Mohagher Iqbal, ang chief peace negotiator ng dating rebeldeng grupo; at Ghazali Jaafar, ang MILF vice chairman for political affairs, dahil sa lubhang pagkakantala ng BBL at ang mga probisyon na binago ng Malakanyang.
At bawa’t bitaw ng pahayag nina Iqbal at Jaafar ay nakaka-apekto umano kay Aquino at sa pananaw ng mga Muslim sa pamahalaan kaugnay sa peace agreement na nilagdaan ng magkabilang grupo.
Hindi naman mabatid kung sino ang nakiusap sa MILF na huwag ng batikusin si Aquino, ngunit posibleng si Presidential peace adviser Teresita Deles ang nasa likod nito.
Naunang sinabi sa Mindanao Examiner ni Iqbal, na siya rin chairman ng BTC, na: “We are seriously worried about the delay in signing of the BBL by President Aquino and this further delay the implementation of the peace agreement – the Comprehensive Agreement on Bangsamoro – and it creates problems not only to the Aquino government, but the MILF as well. It’s a political problem and government has to address this quickly because we are running out of time here.”
Nababahala ang MILF sa mga commanders nito na nawawalan ng pag-asa sa peace deal ng grupo sa pamahalaan dahil sa pagkalikot ng Malakanyang sa draft BBL.
Ngunit hindi pa natatapos diyan ang problema ng pamahalaan dahil nakaabang sa Kongreso ag ilang mga pulitiko na inaasahang haharang sa BBL dahil sa takot na makaka-apekto ito sa kanilang mga negosyo at ari-arian sa Mindanao na sakop ng bagong Muslim autonomous region.
http://www.mindanaoexaminer.net/2014/08/milf-pinatatahimik-ng-palasyo.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.