From the Philippine Information Agency (Aug 8): Commanding General ng Army, pinuri ang mga kawal at kawani ng 7ID (Commanding General of the Army, praised the soldiers and staff of the 7ID)
FORT RAMON MAGSAYSAY, Nueva Ecija -- Binigyang kapurihan ni Army Commander Lieutenant General Hernando Delfin Carmelo Iriberri ang mga kawal at kawani ng 7th Infantry Division (7ID) sa isinagawang pagdiriwang ng ika-26 na anibersaryo nito kamakailan.
Sa kanyang talumpati ay kanyang nabanggit na dapat lamang na batiin ang bawat yunit at kawani na bumubuo sa dibisyon dahil sa mga napagtagumpayang gawain at tungkulin sa bayan.
Ilan rito ang patuloy na kampanyang pangkapayapaan sa mga nasasakupang lugar.
Ayon kay Iriberri, wala nang barangay na sakop ng 7ID ang may banta ng insurgency kaya naman naideklara na ang mga ito na mapayapa at handa sa pag-unlad.
Hinikayat niya ang mga kawal at kawani na ipagpatuloy lamang ang papupursigi sa pagpapanatili ng kapayaan at pag-igihin ang kahandaan laban sa anumang kalamidad upang maging kaagapay ng mga kababayan sa panahon ng pangangailangan.
Hinigi rin niya ang suporta ng mga ito sa pagsusulong ng Army Transformation Roadmap at Armed Forces of the Philippines Modernization program.
Saklaw ng 7ID ang mga Army Brigades at Battalions sa rehiyong Ilocos at Gitnang Luzon.
http://news.pia.gov.ph/index.php?article=1961407310714
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.