Friday, March 14, 2014

CPP/NPA: Paananalakay ng 42nd IB PA binigo ng mga Pulang mandirigma sa ilalim ng Norben Gruta Command

NPA propaganda statement posted to the CPP Website (Mar 14): Paananalakay ng 42nd IB PA binigo ng mga Pulang mandirigma sa ilalim ng Norben Gruta Command

Logo.bhb
Diego Magtanggol
Spokesperson
NPA Camarines Sur Front Operations Command (Norben Gruta Command)
 
Muli na namang ipinamalas ng mga Pulang mandirigma ng Norben Gruta Command ang kahandaan sa mga di inaasahang pananalakay ng mga reaksyunaryong AFP. Ika-23 ng Pebrero taong kasalukuyan, napalaban ang isang iskwad ng Pulang mandirigma na may bilang na labing-isa sa mga elemento ng 42nd IB PA sa Sitio Kaliryuhan Brgy. Bagong Silang, Pasacao,Camarines Sur.

Bago ang labanan, bandang ala-una ng araw na iyon ay may nagpaabot na masa na may kaaway malapit sa base ng mga Pulang mandirigma, agad namang nagpulong ang kumand at pinaalerto ang lahat ng mga kasama at nagposisyon sa kanya-kanyang pormasyon. Dahil sa pawala-wala ang kaaway nanatiling nakaposisyon at nakaalerto ang mga Pulang mandirigma habang minomonitor ang kaaway. Bandang alas-tres ng hapon ng araw ding iyon biglang sumalakay ang di bababa sa labing-limang elemento ng Bravo Coy ng 42nd IB na nakabase sa Brgy. Cambalidio Libmanan Camarines Sur.

Dahil sa maayos na posisyon at koordinasyon ng bawat fire-team, mahusay na nakapamutok ang mga Pulang mandirigma, na nagresulta sa pagka-demoralisa ng kaaway kaya nabigo ang tangkang kubkob sa yunit ng BHB.

Habang nagkakaputukan naanalisa ng kumand ng BHB na palayo at matataas na ang putok na nanggagaling sa kaaway. Dito na nakakuha ng pagkakataon ang mga Pulang mandirigma na magmaniobra palayo sa lugar. Sa prosesong pag-atras, maayos at ligtas nilang nilisan ang pinangyarihan ng labanan dala ang isang sugatan na agad namang nalapatan ng pangunang lunas at kasalukuyang nasa maayos na kalagayan.

Tumagal ng hindi bababa sa 20 minuto ang ng labanan. Batay sa ulat ng mga masang nakakita sa mga umaatras na kaaway, may naunang dalawang inusungan na sugatan at may dalawa pang isinunod na ikinarga sa duyan, kaya apat ang kumpirmadong nasugatan sa panig ng mga elemeto ng 42ndIB.

Patunay lamang ito na mahusay na koordinasyon at kahandaan ng mga Pulang mandirigma. Taas morale sa hanay ng BHB, dahil ang sana’ydepensiba ay naipaling sa opensiba sa pagkakakuha nila ng inisyatiba sa naturang labanan at nagdulot ng demoralisasyon at kaswalati sa hanay ng kaaway.

http://www.philippinerevolution.net/statements/20140314_paananalakay-ng-42nd-ib-pa-binigo-ng-mga-pulang-mandirigma-sa-ilalim-ng-norben-gruta-command

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.