Sunday, January 6, 2013

Military seemingly useless in Maguindanao!

From the Mindanao Examiner (Jan 6): Militar mistulang inutil sa Maguindanao! (Military seemingly useless in Maguindanao!)

Isang imbestigasyon ang inilunsad ngayon ng Moro Islamic Liberation Front upang mabatid ang dahilan ay kung sino ang nasa likod ng mga tangkang pambobomba sa lalawigan ng Maguindanao. Ito'y matapos na isang malakas na bomba na naman ang natagpuan ng mga sibilyan sa sentro ng Shariff Aguak, ang kapitolyo ng lalawigan, nitong Sabado ng umaga. Gawa sa mortar bombs na nakakabit sa isang detonator ang naturang pampasabog at itong uri rin ang mga nabawi sa mga nakalipas sa ibat-ibang bahagi ng Maguindanao. Tikom naman ang bibig ng mga opisyal ng 6th Infantry Division at hindi rin nagbigay ng anumang pahayag sa media ukol sa breach sa kanilang security sa Maguindanao na kung saan ay naroon rin ang kampo nito. Maging si Army spokesman Col. Prudencio Asto ay hindi rin sinasagot ang tawag ng mga manunulat ukol sa kabiguan ng militar na mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga sibilyan sa lalawigan.

Wala rin umako sa bigong atake, ngunit sinabi ni Von Al Haq, ang spokesman ng MILF, na sinisipat na nila ang posibleng mga motibo nito. “Nagiimbestiga na kami tungkol diyan at inaalam naman kung may kinalaman ba ito sa peace talks o kung may third party na nais madiskaril ang paguusap. Posible rin na may kaugnayan ito sa pulitika," wika pa ni Al Haq aa panayam ng Mindanao Examiner.

Hindi rin sinagot ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu ang kanyang cell phone sa mga tawag ng media upang makunan ng pahayag sa kaguluhan sa kanyang lugar. Ngunit ilang beses na rin itong naging target ng mga pambobomba at madalas nitong sisihin ang kalaban sa pulitika. Maging ang pamunuan ng rehiyon ay wala rin sinabi sa mga nagaganap na karahasan sa Maguindanao.

Ang MILF ay may kasalukuyang peace talks sa pamahalaang Aquino at nitong Oktubre lamang ay lumagda sa isang framework agreement upang mabuo ang Bangsamoro homeland na siyang ipapalit naman sa Autonomous Region in Muslim Mindanao na kinabibilangan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi; at gayiun rin ng lungsod ng Marawi at Lamitan.

(An investigation was launched today by the Moro Islamic Liberation Front to discern who is behind the attempted bombings in the province of Maguindanao. This was after a powerful bomb targeting  civilians was discovered in the center of Shariff Aguak, the capital of the province, on Saturday morning. Made of mortar bombs attached to a detonator, explosives of this type have been recovered in the past in different parts of Maguindano.  6th Infantry Division officials have not given any statements to the media about the security breach in Maguindanao, which also includes their camp. Even Army spokesman Col. Prudencio Asto did not answer the calls of journalists about the failure of the military to provide adequate protection for civilians in the province.

Von Al Haq, spokesman of the MILF had no assumptions about the attack and or possible motives. "We will investigate it and determine if a third party is attmepting to derail the peace talks.  It could also be related to poltics," said Al Haq in an interview with the Mindanao Examiner. 

 Maguindanao Gov.Esmael Mangudadatu did not answer his cell phone either in response to media calls on ethe vents in his province.  Several times he was (the target of) bombings and he often blamed political opponents. Thus, even the leadership of the region is not well informed about the ongoing violence in Maguindanao.

The MILF is currently engaged in peace talks with the Aquino government and only last October signed a framework agreement to construct the Bangsamoro homeland which in turn would replace the Autonomous Region of Muslim Mindanao, which includes Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu and Tawi- Tawi, and also the cities of Marawi and Lamitan.)

http://mindanaoexaminer.com/news.php?news_id=20130106013054

1 comment:

  1. I guess the lesson learned is that it probably isn't wise to not answer the phone when journalists call. They are going to write something and it seems to me that it's better to give them something you want them to write about rather than to piss them off and leave them to their own devices.

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.