Cleo del Mundo
Spokesperson
NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
September 01, 2023
1.Ang Apolonio Mendoza Command—ang yunit ng New People’s Army sa lalawigan ng Quezon ang nagsagawa ng ambus laban sa 85th IBPA at CAFGU ngayong Setyembre 1, 2023.
Tinambangan ng isang yunit ng AMC-NPA ang magrerekoridang sundalo at paramilitar na kalalabas pa lamang ng kampo sa Sityo Pag-Asa, Barangay Mapulot, Tagkawayan.
Kumpirmado ang limang (5) KIA sa panig ng 85IBPA bukod pa ang mga sugatan. Nakakumpiska ng limang (5) M-16 rifle, mga bala at iba pang military materiel sa nasabing ambus.
Magkakakoro ang mga tagapagsalita ng pambansang himpilan ng Philippine Army, 2nd IDPA, 201st IBde at hepe ng PNP-Quezon sa pagsasabing inaalam pa nila kung sinong armadong grupo ang nakasagupa ng kanilang bayarang sundalo at CAFGU. Pikit-mata silang nagbubulaan na nagmula sa labas ng Quezon ang umatakeng NPA.
Kailangan nila itong gawin para pabulaanang may rebolusyunaryong kilusan pa, sa pangunguna ng New People’s Army sa lalawigan ng Quezon.
Dahil kung hindi, hihimurin nila ang sarili nilang isinukang deklarasyon noong Hunyo na “insurgency free” na ang probinsya. Tiyak na kasalukuyang naglulubid na rin ng buhangin si Gov. Helen Tan para pagtakpan ang pagsakay niya sa palabas ng AFP-PNP-DILG at kaignorantehan sa tunay na ugat ng armadong tunggalian sa kanyang probinsya at buong bansa.
2. HINDI booby trap landmine ang ginagamit na bombang-pasabog ng NPA. Ang booby trap ay yaong bombang nakatanim sa lupa na kapag aksidenteng natapakan ay sasabog. Karaniwan itong ginamit noong World War II. Wala ni isa mang booby trap landmine na nasa pag-iingat ang NPA.
Ang ginagamit na bombang-pasabog ng NPA ay CDX o command-detonated explosives. Ito ay bombang nakadisenyong pasasabugin lamang kapag may tiyak na target militar at/o ninais pasabugin ng mayhawak ng control-switch.
Dahil gustong pagtakpan ng Philippine Army ang pagkatalo nila sa ambus na isinagawa ng NPA, pinapaniwala nila ang kanilang mga sariling tropa sa sarili nilang kasinungalingan.
For the record, WALANG natapakang booby trap landmine ang tropa ng 85th IBPA na inambus ng NPA.
Hindi na miminsang naglinaw sa publiko at sa midya ang Apolonio Mendoza Command tungkol sa ginagamit nitong CDX, muli naming inuulit, para sa kabatiran ng lahat na ang CDX ay hindi makakapinsala kaninumang hindi target ng aksyong militar ng NPA.
Bilang patunay, maraming taktikal na opensiba ng NPA ang hindi itinuloy dahil sa kunsiderasyong wala dapat madamay at maging kaswalti ang mga pasabog na ito maliban sa target na kaaway.
3. Mahaba ang criminal record ng 85th IBPA at paramilitar na inambus ng NPA. Kabilang dito ang sapilitang pagpapasuko, harassment, intimidasyon, panggigipit sa magsasaka at mamamayan ng Quezon, laluna sa Bondoc Peninsula. Umabot sa 20,000 ang biktima nito sa panahon pa lamang ng kriminal na rehimeng US-Duterte. Perwisyo sila sa mga mamamayan sa lugar kung saan ang kanilang mga kampo militar. Karaniwan na ang pagbabalik at paglala ng mga sindikato at anti-sosyal na mga gawain tulad ng pagnanakaw ng hayop ng mga magsasaka, hindi pagbabayad ng tamang halaga sa mga binibili at sinisirang ari-arian ng masa, paglalasing at walang habas na pagpapaputok na nakagagambala sa mga residente, pananakot at pag-aastang siga sa mga komunidad atbp.
Kabulastugan ang sinabi ng mga spokesperson ng Philippine Army na tagapangalaga ng kapayapaan ang kanilang tropa. Katunayan, matagal nang hinihintay ng residenteng magsasaka sa lugar ang hakbang pamamarusang ito ng NPA.
Sa tindi ng kahayupan ng 85th IBPA maging sa mga CAFGU na ginagawa nilang utusan, ang mga CAFGU mismo ay maysariling hinaing sa kanilang mga opisyal. Ito ang lalong nagtiyak ng matagumpay na ambus ng NPA.
Magsisilbi ang matagumpay na taktikal na opensiba ng NPA bilang pagbibigay-hustisya sa lahat ng naging biktima ng atrosidad ng sundalo ng 85th IB at 201st IBde sa buong lalawigan.
4. Nananawagan kami sa lahat ng magsasaka na huwag kayong mag-CAFGU. Huwag kayong maging taksil sa inyong kauring magbubukid. Kung nais ninyong magserbisyong-militar, sa yunit ng NPA ang inyong tamang lugar.
5. Nananawagan kami sa mamamayan ng lalawigan na huwag ninyong pahintulutan ang pagtatayo ng kampong militar saanman sa inyong komunidad. Wala itong idudulot na kabutihan sa inyong pamayanan. Wala kayong dapat ikatakot at ipangamba sa presensya ng NPA sa inyong lugar, matagal na ninyo kaming kakilala bilang inyong tunay na Hukbong Bayan.
Narito kami para sa inyo. Ang pambansa demokratikong rebolusyon ay di-magagapi.
Para sa uring api ng bansa ang matagumpay na taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan!#
https://philippinerevolution.nu/statements/mga-paglilinaw-ng-amc-npa-sa-naganap-na-ambus-sa-85ibpa-sa-tagkawayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.