Saturday, September 2, 2023

CPP/NDF-PKM-Masbate: Sama-samang kumilos at labanan ang kampanyang teror ng AFP at PNP laban sa masang magsasaka sa Masbate

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Sep 1, 2023): Sama-samang kumilos at labanan ang kampanyang teror ng AFP at PNP laban sa masang magsasaka sa Masbate (Act together and fight the terror campaign of the AFP and PNP against the masses of farmers in Masbate)
 


Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate
NDF-Bicol
National Democratic Front of the Philippines

September 01, 2023

Higit pang pinasahol ng mga pakanang kampanyang terror ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang kalunos-lunos na kalagayan ng masang magsasaka sa Masbate. Nitong Agosto 30, walang patumanggang pinaulanan ng bala ng 2nd Infantry Battalion Phil. Army ang kabahayan ng mga magsasakang sina Julie Rabadon, Jovie Rabadon at Amy Olivar sa Sitio Milagro, Barangay Guindawhan, bayan ng Pio V. Corpus.

Itinuring pa ng reaksyunaryong gubyerno bilang best battalion ang 96th IB na kamakailan lang ay walang awang idinamay at minasaker ang tatlong sibilyang kababaihan na sina Jelyn Guis Dejomo, Sheryl Salazar Dejomo at Divina Lubiano Ajitan sa nangyaring engkwentro sa Brgy. Jagnaan, San Jacinto. Tila ginagantimpalaan pa ang sinong mas duguan ang kamay sa hanay ng mga berdugong militar.

Malaki ang pananagutan ng rehimeng Bongbong Marcos Jr sa malawakang pamamaslang sa prubinsya na pangunahing tumatarget sa masang magsasaka. Nasa likod nito ang walang tigil na mga maniobra ng kanyang mga pinapaburang mga kumpanya ng Filminera Resources Corporation, ekoturismong Empark at pagtatayo ng paliparang pang-internasyunal. Dadambungin ng naturang mga neoliberal na proyekto ang buhay, kabuhayan at lupa ng masang magsasaka.

Kasabwat ang naghaharing pamilya Kho, winawasak at itinataboy ng armadong pwersa ng estado mula sa kanilang kabuhayan at lupang napagtagumpayan ang masang magsasaka sa pamamagitan ng sama-samang paglaban. Pilit ding ilinulusot ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang programang SPLIT na wawasak sa kolektibong pagsasaka.

Dapat sama-samang kumilos at labanan ng masang Masbatenyo ang mga pakanang kampanyang terror ng estado laban sa mga magsasaka. Pagkaisahin ang lakas at isulong ang mga kampanyang pagpapalayas sa mga militar at pulis na salot sa buhay at kabuhayan ng masa.

Higit kailanman, kailangang patuloy na suportahan ng masang Masbatenyo ang armadong paglaban sa prubinsya. Walang anumang matitira sa ating mga magsasaka kung mawawalan tayo ng tunay na Hukbong magtatanggol at mangangalaga sa ating kaligtasan, buhay at kabuhayan.

https://philippinerevolution.nu/statements/sama-samang-kumilos-at-labanan-ang-kampanyang-teror-ng-afp-at-pnp-laban-sa-masang-magsasaka-sa-masbate/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.