Saturday, September 2, 2023

CPP/NPA-Quezon: 85th IBPA, inambus ng NPA

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Sep 1, 2023): 85th IBPA, inambus ng NPA (85th IBPA, ambushed by the NPA)
 


Cleo del Mundo
Spokesperson
NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army

September 01, 2023

Matagumpay na inambus ng Apolonio Mendoza Command-New People’s Army (AMC-NPA) sa lalawigan ng Quezon ang nagpapatrolyang sundalo ng 85th Infantry Battalion sa Sityo Pag-asa, Barangay Mapulot, bayan ng Tagkawayan ngayong Setyembre 1, bandang alas-7 ng umaga.

Tumagal ang nasabing labanan ng mahigit isang oras. Nakasamsam ang mga pulang mandirigma ng limang matataas na kalibre ng baril.

Samantala, lima ang patay sa mga militar, apat ang sugatan na tumalilis sa labanan habang ligtas na nakaatras ang yunit ng pulang hukbo.

Ayon kay Ka Cleo del Mundo, tagapagsalita ng NPA-Quezon,”Ang isinagawang ambus ng New People’s Army ay isang hudyat at pambukas sa mga matutunog na taktikal na opensiba sa buong probinsya.”

Dagdag pa, “Pagbibigay ito ng katarungan sa lahat ng biktima ng 85IBPA. Ito ay para sa mga minamahal naming masa na nakaranas ng tortyur, panggigipit at pamamaslang ng mga berdugong sundalo sa ilalim ng rehimeng US-Duterte at nagpapatuloy sa kasalukuyang rehimeng US-Marcos II.” ani del Mundo.

Sa lalawigan, tinatayang aabot sa 20,000 ang kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa probinsya ng Quezon sa panahon lamang ng rehimeng US-Duterte. Binibigyang katwiran at tinatabingan ito sa ngalan ng kontra-insurhensyang pakana gamit ang mga combat military operations, pekeng pagpapasuko at panlilinlang.

Kamakailan, napabalita na idineklara ng 85th IBPA, PNP-Quezon at ni Gov. Helen Tan na “insurgency-free” na ang lalawigan at handa na para sa mga huwad na proyektong “pangkaunlaran” na dilit walang iba kundi mga proyekto at negosyong makadayuhan at para sa iilan habang pahirap at mapangwasak sa mamamayan at kapaligiran sa lalawigan. Sinimulan at niratsada ang pagpasok ng mga mapanira at dambuhalang dam, renewable energy projects, land use conversion, quarry at iba pa na pumipinsala sa buhay at kabuhayan ng mamamayan.

“Patunay ang inilunsad na taktikal na opensiba na nananatili ang NPA sa probinsya ng Quezon. Hindi tayo magagapi. Patuloy na inaani ng NPA ang malawak na suporta ng mamamayan dahil nananatiling makatarungan ang magrebolusyon!”, pagtatapos ni Ka Cleo del Mundo.###

https://philippinerevolution.nu/statements/85th-ibpa-inambus-ng-npa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.