Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
August 31, 2023
Titiyakin ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate na makakamit ang rebolusyonaryong hustisya para sa mga biktima ng kampanyang pagpatay ng rehimeng US-Marcos Jr. Dagdag sa inutang na dugo ang panibagong kaso ng masaker sa mga magsasakang sina Julie Rabadon, Jovie Rabadon, mag-asawa at parehong higit 30 anyos ang edad at Amy Olivar sa Sityo Milagro, Barangay Guindawhan bayan ng Pio V. Corpus nito lamang ika-30 ng Agosto.
Winasak ang kabahayan ng naturang mga biktima. Masahol, ninakawan pa sila ng bigas.
Para pagtakpan ang karumal-dumal na krimen, ipinalalabas ng 2nd Infantry Battalion Phil. Army na may naganap na labanan sa pagitan ng militar at New People’s Army sa pinangyarihan ng masaker. Malamang itong pakana upang lumikha ng senaryo ng kaguluhan sa prubinsya at bigyang rason ang pagdeklarang muli sa Masbate bilang election hotspot.
Pagtatakip din ang naturang masaker sa kahiya-hiyang misencounter sa pagitan ng militar at pulis sa isla ng Ticao.
Tiyak ding may basbas ni Masbate Gov. Antonio T. Kho ang naturang masaker lalupa’t isa ang bayan ng Pio V. Corpus sa mga kalupaang pakay kamkamin ng gubernador.
Ngayong Agosto, naitala ang una at pangalawang kaso ng pampulitikang masaker sa prubinsya sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr. Matatandaang tahasang dinamay ng militar ang tatlong kababaihang sibilyang sina Jelyn Guis Dejomo, Sheryl Salazar Dejomo, at Divina Lubiano Ajitan sa naganap na labanan sa pagitan ng AFP-PNP at NPA sa Barangay Jagnaan, bayan ng San Jacinto noong Agosto 19.
Sa higit isang taon ni Marcos, Jr, umaabot na sa 21 ang biktima ng pampulitikang pamamaslang sa Masbate.
Ilang pamilya pa ba ang dapat magkawatak-watak dahil sa panggigipit ng militar? Ilang komunidad pa ba ang mapagkakaitan ng kabuhayan dahil sa nakatayong kampo? Ilang kabataan pa ba ang lalaki sa takot? Ilang buhay at kinabukasan pa ba ang dapat tangayin ng mga pasistang berdugo?
Tama na, sobra na! Lalong lumalalim ang sugat ng mamamayang Masbatenyo sa patuloy na pag-iral ng paghaharing teror ng AFP-PNP-CAFGU. Subalit may hangganan ang pagtitiis at takot. Ang mga sugat na dulot ng walang kaparis na terorismo ng estado ang siyang magtutulak sa kanila upang pumiglas at lumaban.
Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mamamayang Masbatenyo na kilalanin ang sariling lakas at sumulong sa landas ng digmang bayan. Tanging sa ating rebolusyonaryong pagkakaisa at paglaban mabibigo ang terorismo at paghaharing militar na hatid ng rehimeng US-Marcos sa prubinsya.
Isang malaking halimaw ang kalaban, subalit hindi imposibleng mapabagsak. Matagumpay na napalayas ng mamamayan ng Milagros ang kampo ng batalyon. Maraming barangay ang umalma sa sapilitang pagrerekrut ng militar na mag-Army o mag-CAFGU. Walang imposible basta sama-sama.
Nananawagan din ang JRC-BHB Masbate sa mga nagmamahal sa demokrasya at karapatang-tao na makatulong sa paglalantad ng naturang masaker at pagpapanagot sa mga sangkot na militar at kanilang upisyal.
Nananawagan din ang JRC-BHB Masbate sa mga sibilyang upisyal at mga kakandidato sa darating na halalang pambarangay na manindigan para sa kapakanan ng mga Masbatenyo. Walang saysay ang inyong panunungkulan hangga’t nananatili ang paghaharing militar sa prubinsya.
Kasama ang mamamayang Masbatenyo, walang aaksayahing pagkakataon ang Jose Rapsing Command-BHB Masbate sa pagpapaigting ng armadong paglaban upang panagutin at pagbayarin nang mahal ang AFP-PNP-CAFGU sa kanilang mga krimen. Nasa rebolusyonaryong armadong paglaban ang katubusan at katarungang inaasam.
https://philippinerevolution.nu/statements/unang-mga-kaso-ng-pampulitikang-masaker-sa-masbate-sa-ilalim-ng-rehimeng-us-marcos-jr-sa-armadong-pagrerebolusyon-makakamit-ang-katarungan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.