From Kalinaw News (Apr 25, 2023): 138 na mga dating NPA supporters, taos pusong mananata ng pag suporta sa MTF ELCACdasabay ng deklarasyon ng bayan ng Catanauan bilang stable internal peace and security (138 former NPA supporters, wholeheartedly vow to support the MTF ELCAC along with the declaration of the town of Catanauan as stable internal peace and security)
Taos pusong nanumpa ang 138 na mga mamamayang minsang nalinlang ng CPP NPA NDF na buong katapatan silang makikipag tulungan sa pamahalaan at sa layunin ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF ELCAC) sa pamamagitan ng pag biibigay ng ulat sa hinggil sa presensya o pagpasok ng Teroristang New People’s Army sa kanilang lugar. Pinangunahan ito ng Kagalang galang na Punong Bayan na si Atty. Ramon A. Orfanel sa pakikipag tulungan ng Public Attorhey’s Office. Isinagawa ang nasabing programa kahapon ika 24 ng Abril taong kasalukuyan sa Catanauan Municipal Covered Court, Catanauan, Quezon.
Sa ikalawang bahagi ng programa, isinagawa naman ang Ceremonial Signing of Memorandum of Understanding hinggil sa Declaration of Stable Internal Peace and Security (SIPS) sa nasabing bayan. Muli itong pinangunahan ng kagalang galang na Punong Bayan bilang kinatawan ng unang panig; Quezon Police Provincial Office (QPPO), Police Regional Office 4 na kinakatawan ng Provincial Director, Police Colonel Ledon M Monte at 85th Infantry (SANIDIWA) Battalion, 2nd Infantry Division, Philippine Army sa ilalim ng 201st infantry Bde na kinakatawan ng Commanding Officer nito na si Bgen Erwin A Alea (MNSA) PA bilang ikalawang panig.
Lumagda din ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ng Bise Alkalde, mga Punong Barangay at kinatawan ng mga pangunahing ahensya at institusyon ng local na pamahalaan bilang saksi at pakikiisa sa layunin ng Declaration of Stable Internal Peace and Security sa nasabing bayan.
Batay sa masusing pagsasaliksik at pag aaral ng Joint Intelligence Assessment ng QPPO at 85IB, ang antas ng mga pagkilos at presensya ng Communist New People’s Army Terrorist sa nasabing bayan ay tuluyan nang naglaho at kaya nang pangasiwaan ng lokal na pamahalaan.
Dahil dito Inaasahan ng dalawang panig ang higit pa na pagdagsa ng mga mamumuhunan at turista sa nasabing bayan at ang patuloy pa nitong pag unlad.
Sa huling bahagi ng programa, kinilala ng MTF ELCAC ang pagkakabuklod buklod ng 138 na mga mamamayan bilang nagkakaisang samahan. Layunin nitong masmapabilis pa ang ugnayan sa ibat ibang ahensya sa usapin at gawaing pangkaunlaran ng komunidad. Nakiisa rin at nagbahagi ang bawat kinatawan ng ahensya mula sa Public Attorney’s Office (PAO) Catanauan, Cooperative Development Authority (CDA) R4, Philippine Coconut Authority (PCA) Quezon, Irrigation Management Office (IMO) Quezon at Lokal na Pamahalaan ng kanilang programang pangkabuhayan at pangkaunlaran sa pamamagitan ng presentasyon at mensahe.
Matapos ang programa, ipinaabot ni Lieutenant Colonel Jonson sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Major Rhodell Lemmuel L Pacleb ang kanyang taos pusong pasasalamat sa mga nakiisa at tumulong upang maisagawa ng matagumpay ang programa; sa MLGOO, PNP, LGU, PAO, Sangguniang Bayan, CDA, PCA,TESDA, IMO, tanggapan ng Punong Bayan, tanggapan ng kinatawan ng ika-3 distrito ng Quezon, mga Punong Barangay at higit sa lahat, sa mga mamamayang patuloy na nakiisa at sumoporta para sa kapayapaan at kaunlaran ng bayan ng Catanauan, Quezon.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]
https://www.kalinawnews.com/138-na-mga-dating-npa-supporters-taos-pusong-namanata-ng-pag-suporta-sa-mtf-elcac-kasabay-ng-deklarasyon-ng-bayan-ng-catanauan-bilang-stable-internal-peace-and-security/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.