Tuesday, April 25, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: NDFP's 50th anniversary, celebrated in Central Negros

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Apr 24, 2022): NDFP's 50th anniversary, celebrated in Central Negros
 





April 24, 2023

Dalawang araw ipinagdiwang nga Bagong Hukbong Bayan-Leonardo Panaligan Command sa isang liblib na lugar sa larangang gerilya ang ika-50 Anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa gitna ng walang habas na mga pamamamaslang ng pasistang militar at operasyong militar sa larangan. Dinaluhan ng isang platun ng BHB at mga kasapi ng PKP sa larangang gerilya.

Sa unang araw ginanap ang kolektibong talakayan sa 12-puntong programa program ng NDFP. Kolektibo din pinag-aralan ang espesyal na isyu ng Ang Bayan tungkol sa kasaysayan at mga rebolusyonaryong kontribusyon nina Kasamang Benito Tiamzon (Ka Laan) at Wilma Austria (Ka Bagong-tao).

Sinalaysay ng mga kasama ang kanilang buhay at mga ambag sa rebolusyon. Nagkaisa din ang mga kasamang ibuhos nila ang kanilang sarili at buhay upang kamtin ang pambansang kalayaan at demokrasya na ipinaglalaban nina Ka Laan at Ka Bagong-tao. Ani pa ni Ka Jay, bagong Pulang mandirigma ng BHB, taos puso kong i-aalay ang lahat ng natutunan at buhay sa tagumpay ng armadong rebolusyon.”

“Pinatay man nila ang mga rebolusyonaryo, patuloy na maglalagablab ang apoy ng rebolusyon sa buong kapuluan,” dagdag pa ni Ka Termo.

Kasabay nito, naglunsad ng operasyon pinta-dikit ang mga pangkat ng Kabataang Makabayan sa dalawang munisipalidad at isang syudad sa Negros Occidental at Negros Oriental. Bago pa man ang anibersaryo ng NDFP, pulang-pula ang mga pader sa mga nasabing lugar na humikayat sa mga mamamayan lalo na sa mga kabataan na mag-like, share and post sa social media.

Sa araw na ipinagdiwang ang ika-50 anibersaryo ng NDFP, isang araw ding kolektibong nagtipon ang mga kasama sa pinal na programa. Humanay ang BHB at umawit ng Internasyunal. Nagbigay ng maikling talumpati ang platun kumander at instruktor sa pulitika ng platun matapos ang parangal kay Ka Joma, Ka Laan, Ka Bagong-tao at iba pang rebolusyonaryong martir.

Hinikayat din nila ang ang mga kasama na ipagpatuloy ang mga ambag at pakikibaka nina Ka Joma, Ka Laan at Ka Bagong-tao at iba pa. Muling naghanay ang BHB at isinagawa ang tahimik na 21-gun salute bilang pinakamataas na pagpupugay at pulang saludo sa lahat ng bayani at martir ng rebolusyong Pilipino.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/ika-50-anibersaryo-ng-ndfp-ipinagdiwang-sa-central-negros/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.