National Democratic Front of the Philippines
April 24, 2023
Pinakamataas na pagpupugay ang ipinaaabot ng Pambansang Samahan ng Makabayang Tsuper (PSMT) sa ika-50 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines at sa lahat ng mga rebolusyonaryong organisasyong masang kasapi ng NDFP. Taas kamaong kinikilala ng PSMT ang NDFP bilang pinakamalawak na nagkakaisang prente ng sambayanang Pilipino na nagsusulong ng pambansa demokratikong rebolusyon.
Sa loob ng limampung taong, ang NDFP ay tuloy-tuloy na nagbubuklod sa malapad na hanay ng mamamayan para labanan ang pananamantala at pang-aapi ng imperyalistang paghahari sa bansa kasabwat ng mga malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa, at paglaganap ng terorismo at pasismo ng estado.
Ang PSMT ay ang rebolusyonaryong pang-masang organisasyon ng mga tsuper at maliliit na operator sa bansa. Mahigpit itong nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa mga rebolusyonaryong organisasyon ng mga manggagawa at maralitang lungsod ng NDFP na Revolutionary Council of Trade Unions at Katipunan ng mga Samahang Manggagawa para sa pakikibaka para sa mga kagalingan at kapakanan ng mga manggagawa sa maliliit na transportasyon at para sa pagsusulong ng pambansa demokratikong pakikibaka at demokratikong rebolusyong bayan.
Tulad ng mga manggagawa at mga maralita sa lungsod, ang mga tsuper at maliliit na operator ay lubos ding nakakaranas ng pananamantala dulot ng mga patakarang neoliberal na pinaiiral ng paghahari ng imperyalistang US sa bansa kasapakat ng mga lokal na mga naghaharing uri.
Ang pangkalahatang kalagayan ng transportasyon sa Pilipinas ay repleksyon ng nabubulok na sistemang malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino kaya nananatili ring naghihirap at pinagsasamantalahan ang mga manggagawa sa transportasyon gaya ng mag tsuper at maliliit na operator. Pinapalala pa ito ng pagsirit ng presyo ng bilihin, lalo ang pagkain at langis, pag-agaw at pagmasaker ng mga monopolyo kapitalista at mga kasabwat nilang burgesya komprador sa mga prangkisa at kabuhayan ng mga tsuper at operator sa porma ng PUV phaseout, at labis-labis na multa at buwis na ipinapataw ng burukrasya.
Dagdag pahirap pa ang panunumbalik ng pamilya Marcos sa poder ng kapangyarihan sa reaksyunaryong gobyerno. Pinalala pa ito ng sabwatan nila ng mga Duterte para mag-agawan sa kapangyarihan at puwesto sa gobyerno. Itong sabwatan at hidwaang ito, kasabay ng dominasyon ng imperyalistang US sa bansa, ay lubos na nagpapalala sa pampulitika at pang-ekonomikong krisis sa bansa. Kaya naman, napapanahon at nararapat lang na tanganan ng bawat makabayang tsuper at maliliit na operator sa bansa ang pambansa demokratikong pakikibaka na isinusulong ng NDFP sa gabay at pangangasiwa ng Partido Komunista ng Pilipinas.
Mula rito, dapat pagtibayin pa ng bawat mala-manggagawang tsuper ang mahigpit na pakikipag-alyansa at pagsanib sa nagkakaisang prente sa iba’t ibang andana ng petiburgesyang maliliit na operator at mga panggitnang burgesyang malalaking operator ng iba’t ibang moda ng transportasyon sa bansa.
Palawakin at palakasain pa natin ang pakikipagkapit-bisig at pakikiisa ng ating sektor sa iba’t iba pang sektor at uring inaapi at pinagsasamantalahan sa lipunan para labanan at wakasan ang mga suliraning dulot ng neoliberal na patakaran ng imperyalismo na ipinatutupad ng papet na estado kung saan nakikinabang ang mga naghaharing uri mula sa katas ng mga buwis, bayarin, at multa ng burukrasya. Mabubuwag lamang ang mga ito sa pamamagitan ng pamumuno at lakas ng uring manggagawa kalakip ng nangungunang puwersa ng uring magsasaka.
Samantala, mahalaga ang ligal at demokratikong pakikibaka ng ating sektor sa kalunsuran upang tutulan at labanan ang mga patakarang nagpapahirap sa atin gaya ng PUV phaseout, oil price hike, at labis-labis na mga multa. Ngunit tanging ang demokratikong rebolusyong bayan, at armadong pakikibaka bilang pangunahing porma nito, ang tiyak na makakapagpabago sa lipunan, magwawasak sa imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo, at magbibigay daan para sa ating paglaya at pagtatatag ng lipunang sosyalista.
Sa ika-50 anibersaryo ng NDFP, hinihikayat ng PSMT ang bawat tsuper at operator sa buong bansa na makiisa sa pagsusulong ng 12-putong programa ng NDFP bilang sistematikong programa ng sambayanang Pilipino para sa ating kolektibong hangarin na pambansang kalayaan at demokrasya.
Sariwain at isabuhay din natin ang imortal na ala-ala ni Kasamang Joel Ascutia, isang mahusay na lider-tsuper sa rehiyon ng Bicol na nanguna sa mga matatagumpay na ikinasang transport strike at mga pagkilos noong dekada 90 hanggang unang bahagi ng dekada 2000. Puspusan siyang nakibaka para sa sambayanan; nagmulat, nag-organisa, at nagpakilos sa hanay ng sektor ng transportasyon at maralitang lungsod; namuhay nang payak; at iwinaksi ang mga pansariling interes para ialay ang sarili sa rebolusyon sa kabila ng panggigipit at mga pagtatangkang patahimikin ng pasistang estado.
Dakilain din natin ang buhay na inialay nila Kasamang Benito Tiamzon (Ka Laan), tagapangulo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas, at Kasamang Wilma Austria-Tiamzon (Ka Bagong-tao), pangkalahatang kalihim ng Partido na brutal na tinortyur at pinaslang ng mga teroristang militar bago palabasing nasawi sa gitna ng labanan. Gayundin, isabuhay natin ang mga iniwang aral at nagpapatuloy na tanglaw ni Ka Joma Sison.
Sa pagsulong natin tungo sa mas malalaki pang laban at pakikibaka, nananawagan ang PSMT sa lahat ng tsuper at maliliit na operator sa buong bansa na tuloy-tuloy magpalakas ng hanay, magkasa ng mas matitindi pang protesta at welga, yakapin ang 12-putong programa ng NDFP, pag-aralan ang lipunan, isabuhay at dakilain ang imortal na ala-ala nila Ka Joel, Ka Laan, Ka Bagong-tao, at Ka Joma, iwaksi at iwasto ang ating mga kamalian, buong tatag na isulong ang pambasa demokratikong rebolusyon, at umambag sa armadong pakikibaka!
MABUHAY ANG IKA-50 ANIBERSARYO NG NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES!
MABUHAY ANG IMORTAL NA ALA-ALA NILA KA JOEL, KA LAAN, KA BAGONG-TAO, KA JOMA, AT LAHAT NG MGA BAYANI AT MARTIR NG REBOLUSYON!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!
MABUHAY ANG PAMBANSA NAGKAKAISANG PRENTE!
https://philippinerevolution.nu/statements/mga-makabayang-tsuper-at-operator-sa-buong-bansa-buong-lakas-na-isulong-ang-rebolusyon-ipagdiwang-ang-ika-50-anibersaryo-ng-ndfp/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.