Tuesday, April 25, 2023

CPP/NDF-KM-Laguna/NDF Southern Tagalog: Walang hanggang pagpupugay at pagdakila! Hustisya para kina Ka Laan at Ka Bagong-tao!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Apr 24, 2023): Walang hanggang pagpupugay at pagdakila! Hustisya para kina Ka Laan at Ka Bagong-tao! (Eternal praise and glory! Justice for Ka Laan and Ka Bagong-tao!)
 


Victoria Madlangbayan
Spokesperson
Kabataang Makabayan-Laguna
NDF-Laguna
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines

April 24, 2023

Nagpupuyos sa galit ang Kabataang Makabayan sa probinsya ng Laguna sa natanggap na ulat ng brutal na pagkapaslang sa Tagapangulo ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na si Benito “Ka Laan” Tiamzon, at sa Pangkalahatang Kalihim nito na si Wilma “Ka Bagong-tao” Austria-Tiamzon.

Sina Ka Laan, Ka Bagong-tao, at ang walo pang rebolusyonaryo ay pinaslang ng mamamatay-taong Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Agosto 21, 2022 matapos silang dakipin ng bandang alas-dose ng tanghali patungong tabing-dagat ng Catbalogan, Samar. Sila ay mga hindi armado ngunit labis-labis silang pinahirapan at bakas ang pambubugbog at pantotortyur. Nagbubuhol na dila pang pinalabas ng Joint Task Force-Storm at Task Force Trident ng AFP na nagkaroon ng armadong engkwentro sa dagat ngunit ang katotohanan ay isinakay ang mga labĂ­ sa isang bangka bago tuluyang pasabugan.

Bilang mga lider-rebolusyonaryo, malaki ang naging papel nina Ka Laan at Ka Bagong-tao sa pakikibakang lihim ng sambayanang Pilipino. Noong 2016-2017 ay lumahok ang mag-asawa sa usaping pangkapayapaan kung saan ay kabilang sila bilang mga peace panel.

Subalit, mapait ang reyalidad para sa mga katulad nila Ka Laan at Ka Bagong-tao, matapos tuluyang isara ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) ang usaping pangkapayapaan ay dinakip at sinampahan ng kaso ang mag-asawa. Gayon pa man, hindi natinag ang diwang mapanlaban at patuloy pa rin ang mga ito na kumilos.

Kaya’t tanglaw sa mga kabataang Pilipino partikular sa mga rebolusyonaryong kabataan sa Laguna ang buhay at kabayanihan nina Ka Laan at Ka Bagong-tao. Ang kanilang kamatayan ay hindi ang wakas bagkus ang simula ng patuloy na pagpupursigi ng sambayanan para isulong ang digmang bayan!

Nagkamali ang AFP sa pag-aakalang masisindak nila ang sambayanan sa patuloy na pagpaslang sa mga rebolusyonaryo. Hindi nila lubos gagap na patuloy ang pagpupuyos ng mga kabataan upang tuluyang tahakin ang landas ng armadong pakikibaka at mamuhay kasama ang masang-api at pinagsasamantalahan bilang mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan.

Kaya’t mga kabataan, landasin ang mga sangangdaan, at maging bahagi ng rebolusyong Pilipino. Sapagkat makakamit lamang ang tunay na hustisyang panlipunan sa oras na ipagtagumpay ang rebolusyon at magapi ang kasalukuyang kapangyarihang pampulitika.

Kabataan, tumungo sa kanayunan! Sumapi sa NPA!

https://philippinerevolution.nu/statements/walang-hanggang-pagpupugay-at-pagdakila-hustisya-para-kina-ka-laan-at-ka-bagong-tao/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.