Tuesday, April 25, 2023

CPP/NDF-PKM-Batangas: Pagpupugay at pagdakila ang alay ng mga magsasakang Batangueño nila ka Bagong-tao at ka Laan! Berdugong AFP-PNP, panagutin sa paglabag CAHRIHL at JASIG!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Apr 25, 2023): Pagpupugay at pagdakila ang alay ng mga magsasakang Batangueño nila ka Bagong-tao at ka Laan! Berdugong AFP-PNP, panagutin sa paglabag CAHRIHL at JASIG! (Tribute and honor from the offering of the Batangueño farmers to ka Bagong-tao and ka Laan! AFP-PNP executioners, responsible for the violation CAHRIHL and JASIG!
 


Henry Macatigbak
Spokesperson
Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Batangas
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines

April 25, 2023

Ngayong ika-50 anibersaryo ng Pambansang Demoktratikong Nagkakaisang Prente o National Democratic Front (NDF), nagbibigay ng pinakamataas na pagpupugay ang Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid Batangas sa mga pinuno ng Partido na sila Benito Tiamzon (ka Bagong-tao) at Wilma Austria-Tiamzon (ka Laan)! Si ka Bagong-tao ay nagsilbing pangulo ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komite Sentral habang si ka Laan ay kalihim ng pangkalahatang Partido.

Nitong ika-20 ng Abril ay inanunsyo ng Partido Komunista ng Pilipinas ang marahas na pagmasaker sa mag asawang Tiamzon at walo nilang kasama (ka Yen, ka Jaja, ka Divino, ka Matt, ka Ash, ka Delfin, ka Lupe, at ka Butig) ng berdugong mersenaryong Armed Forces of the Philippines. Agosto 21, 2022 nang dinakip sila ng Armed Forces of the Philippines sila sa Samar habang nabiyahe sa suporta ng militar ng US sa ilalim ng Joint Task Force at Task Force Trident.

Brutal na tinortyur ang mga kasamang dinakip bago pinaslang at saka naman binaboy ang kanilang mga katawan at isinakay sa motorboat patungong kalagitnaan ng dagat sa pagitan ng Catbalogan City at Tarangnan island. Pinasabog ang bangka at ipinalabas na may engkwentro sa dagat upang burahin ang bakas ng kanilang paglabag sa Comprehensive Agreement on Human Rights and International Humanitarian Law at JASIG. Dapat nirespeto ang kanilang mga karapatan bilang prisoners of war at non-combattant sa ilalim ng reaksyunaryong batas.

Gayunman ang karumal-dumal na isinapit ng mga pinuno ng Partido at ng kanilang mga kasama, nabubuhay pa rin ang kanilang palaban at rebolusyonaryong diwa sa buong kilusan at sa hanay ng masang anakpawis na nakikibaka. Buong-buhay nilang inialay ang kanilang lakas sa pag kilos para sa pag alpas ng ating bayan mula sa pagiging malapyudal at malakolonyal ng mga imperyalista. Sa deka-dekadang karanasan sa pagkilos, sila ay maituturing na mga dakilang kadre ng Partido na nagsulong ipakalap ang Marxismo-Leninismo-Maoismo sa libu-libong kasapian at masa. Malaki ang kanilang gampanin sa Ikalawang Dakilang Pagwawasto noong 1992 hanggang 1998. Nagsilbi rin sila bilang mga susing NDFP Consultants sa Usaping Pangkapayapaan. Dapat panagutin ang AFP-PNP, US army, at ang reaksyunaryong gobyerno sa pamumuno ng rehimeng Marcos-Duterte sa kanilang walang habas na pagsupil sa mga rebolusyonaryong pwersa.

Muling alalahanin at dakilain natin ang mga martir ng ating kilusan ngayong ika-50 anibersaryo ng Pambansang Demokratikong Nagkakaisang Prente. Pinakamataas na parangal para kina Kasamang Benito Tiamzon at Wilma Austria!

https://philippinerevolution.nu/statements/pagpupugay-at-pagdakila-ang-alay-ng-mga-magsasakang-batangueno-nila-ka-bagong-tao-at-ka-laan-berdugong-afp-pnp-panagutin-sa-paglabag-cahrihl-at-jasig/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.