PAMBANSANG KATIPUNAN NG MGA MAGBUBUKID-BICOL
NDF-BICOL
December 4, 2021
Nabitin ka ba? Hindi sa tinatagay nyong Empi-Layt ha, kundi ‘dun sa nasaksihan mong hindi pagsipot ni Sara Duterte sa unang filing ng kandidatura noong nakaraang Oktubre. O Nabulunan ka? Hindi sa pinupulutan n’yong native na manok kung hindi sa sunud-sunod na pagpapalit ng mga kandidato sa huling araw ng substitution noong November 15. Nalito ka rin ‘no? Hindi mo mawari kung drama-serye ang pinapanood mo o basketball.
Malamang, maaaring natawa ka, nalungkot, naiyak o nagalit. Pero sana naiisip mong hindi ka lang nanonood ng palabas. Kasali ka dyan. Kasi nga, inutusan kayo ng amo n’yong si Duterte na ikampanya si Bongbong Marcos sa mga baryong linulunsaran n’yo ngayon ng RCSP. Oh ‘di ba, big time! Ang makinarya na ngayon ng gubyerno, hindi na lang mga pipitsuging goons kundi ang mismong AFP-PNP-CAFGU para sa eleksyon 2022!
Naisip mo ba na sa gitna nang lahat ng ito, kung ito nga ba ang demokrasyang ipinagtanggol mo kuno? Ni minsan ba, sumagi sa isip mo na “N’putsa naman naglolokohan na lang tayo eh!” Oh alam mong lokohan na lang talaga ito at dahil tinaasan naman ang mga sahod at benepisyo ninyo bukod sa house and lot package na naghihintay sa iyo ay lulunukin mo na lang ang pride mo at pikit-matang ipapatupad ang utos ng bossing mong si Duterte, tutal bayad ka naman?
Demokrasya bang masasabi kung kailangan ninyong manindak at mamilit sa masa na iboto ang mga kandidato ng administrasyon? Demokrasya ba na sa kada pagboto mo tuwing panahon ng eleksyon, ay hindi naman nagbago ang kalagayang pang-ekonomya ng bansa, lalo pa ngang lumala kahit bagong mukha, hugis at pagkatao ang umupo sa trono ng kapangyarihan sa Malacanang. Hindi ba’t pagtawag ni Misis mo sa iyo ay nagreklamo pa lang siya na mahal pa rin ang bigas, baboy at mga gulay? May nagbago rin ba sa mga pangako ng mga pulitiko? Kada eleksyon na lang sumusulpot ang mga bago kunong lider na siya na umanong magbabangon sa atin sa putik ng kahirapan. Eh, ano na? May nangyari ba?
Botante ka rin ‘di ba, kaya bago ka tumagay uli at mangulata ng kung sinu-sino para iboto ang kung sinumang payaso, sana maisip mo – eh kung ikaw kaya ang sinindak at pinilit iboto si Bongbong Marcos, na alam mong anak ng dating pinatalsik na Diktador, ano kaya ang gagawin mo? Sa tingin mo ba, dahil iniutos sa inyong iboto ang binasbasan ng administrasyon, naisapraktika mo ang demokrasyang sinasabi ninyo?
Hindi ka ba napapagod, na umulan man o umaraw, walang patid ang sakyada ninyo at pagsuyod sa mga kabundukan at kagubatan; sa paglipat-lipat ng mga komunidad sa paghahanap ng NPA? Hindi ka ba nagtataka bakit hindi kayo matapus-tapos kahit mayroong palagiang anunsyo ang matataas ninyong upisyal na nagapi na o malapit nang maubos ang NPA? Sabagay, bakit ka pa nga ba mabibigla eh alam na alam mo rin namang mga sibilyan ang ihinaharap ninyong sumukong rebelde o napatay sa engkwentro o nahuli sa operasyon.
Kada umupong presidente, iyan ang sinasabi. Malapit nang mapulbos ang NPA! Eh bakit andito pa kami?
Oh ano, nawala tama ng alak sa iyo? Nahimasmasan ka ba? Sana maalala mo ang mga anak mo. Sana maisip mo ang kinabukasan nila. Kasi may pagpipilian ka naman eh. Ang mga taong katulad mo – mahirap at nangangarap ng magandang kinabukasan para sa mga minamahal sa buhay, mga taong mula sa uring inaapi, matagal nang namili. Pinili nila ang rebolusyon. Dito sila kung saan hindi sila kailangan pilitin, dahil alam nilang sa gitna ng mga lokohang nagaganap tuwing eleksyon, hindi nila isinasalalay ang kanilang kinabukasan sa balotang palagian namang pinapalitan ang laman. Mas pinili nilang tahakin ang landas ng rebolusyon, dahil naniniwala silang sa pamamagitan ng kanilang masugid na pakikibaka makakamit nila ang TUNAY na DEMOKRASYA. Mahigit limang dekada na ang rebolusyon. Walang kontra-insurhensyang nagpadapa dito. Kaya nandito pa kami. Mananatili. At lalo lamang dumarami. Kung gusto mo, sumama ka sa amin. Ibaba mo na ‘yang pantagay mo. Dalhin mo ang iyong baril at iwan ang maruming gerang ipinapagawa sa iyo ng iyong walang kwentang amo. Magsama ka na rin ng iba pang tulad mo ay ayaw nang magpaloko sa mga ulupong na nagpapalitan lang ng upuan tuwing sasapit ang eleksyon. Piliin mo rin ang pinili ng maraming tulad mo. Piliin mo ang rebolusyon.
https://prwcinfo.wordpress.com/2021/12/04/bukas-na-liham-sa-mga-militar-na-naglulunsad-ng-rcsp/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.