RAYMUNDO BUENFUERZA
NPA-BICOL REGION
ROMULO JALLORES COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
Tiyak na nag-aalab na paglaban ng mamamayang Bikolano ang sasalubong sa muling pagbabalik ng pasistang 49th IBPA sa rehiyon. Hindi nakalilimot ang masang Bikolano sa inutang na dugo ng berdugong batalyon. Mapagpasyang sisingilin at papanagutin ng mamamayang Bikolano ang mersenaryong batalyon sa pagyurak at pagsalaula nito sa karapatan ng mamamayan sa loob at labas ng rehiyon.
Ang 49th IBPA na naipakat sa ilalim ng 903rd Bde. at 901st Bde. ay kilala sa madugong rekord nito sa Albay, Sorsogon, Camarines Sur at Camarines Norte. Taong 2016, ilinipat ito pansamantala sa erya ng 1st IDPA sa Mindanao upang iwasiwas ang terorismo ng estado sa pamamagitan ng batas militar sa isla. Doon nito ipinagpatuloy ang pangwawasak at pananalasa sa libu-libong komunidad sa ilalim ng Oplan Kapanatagan ng rehimeng US-Duterte.
Ngayong Hunyo 11, ibinalik ang naturang batalyon upang punuan ang pasistang pwersang pangkombat ng 9th IDPA. Ito ay bahagi ng pagtalima ng AFP sa tinuran ni Duterte na gagamitin niya ang buong lakas at lahat ng rekurso at pamamaraan ng estado upang mawakasan ang rebolusyonaryong kilusan bago ang pagtatapos ng kanyang termino sa 2022.
Hindi karagdagang lakas, ang makakamtan ng 9th IDPA sa pagpapabalik ng 49th IBPA sa rehiyon. Walang maasahang iisang kumpas ang 9th IDPA na binubuo ng mga yunit na pagod at binabagabag ng walang katuturang digma laban sa mamamayan. Patuloy ang korapsyon, kapwa sa moralidad at ekonomya sa loob ng hanay ng pwersa militar ng estado, at kasabay nito, lalong nahihiwalay ang matataas na upisyal sa kanilang mga kawal. Paano inaasahan ni Brig. Gen. Henry A. Robinson, bagong kumander ng 9th IDPA, na magiging tapat sa kanyang baton ang libong kawal na biktima rin ng krisis sa ekonomya’t pulitikang dulot ng pagpapakatuta ng estado sa imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo?
Tiyak bibiguin ng masang Bikolano ang hinandang papatinding pasistang atake ng 9th IDPA. Handa at matatag na haharapin ng rebolusyonaryong kilusan at mamamayang lumalaban ang pasismo ng estado. Nasa kamay ng rebolusyonaryong kilusan ang bentahe dahil lalo lamang umiinam ang mga kundisyon sa pagsusulong at pagpapalakas ng demokratikong rebolusyong bayan. Ang palagiang krisis at sunud-sunod na atake sa buhay at kabuhayan ng masa ang nagpapahinog ng kanilang kapasyahang tumangan ng armas at ipagtanggol ang kanilang mga demokratikong karapatan. Ang pagsahol ng walang katuturang gera kontramamamayang lumustay na sa ilang libong buhay ang siya ring nagpapabilis ng pagkamulat at pagkamuhi ng mga elemento ng militar sa bulok at mamamatay-taong rehimen.
Sa paglaki ng mersenaryong pwersang tumatarget sa masang Bikolano at naghahasik ng kaguluhan sa rehiyon, hamon sa rebolusyonaryong kilusang pamunuan ang iba’t ibang porma ng paglaban ng mamamayan. Dapat patingkarin ang papel ng armadong pakikibaka at padagundungin sa buong rehiyon ang mga batayang taktikal na opensibang yayanig sa hanay ng kaaway. Dapat aktibong ipagtanggol ng Pulang Hukbo ang buhay at kagalingan ng masa at kagyat na kumpletuhin ang mga rekisitos upang maipatupad ang mga plano sa lahatang pagsulong ng pagpapalakas ng baseng masa, pagpapalawak ng saklaw ng rebolusyong agraryo at pagpapatataas ng antas ng armadong pakikibaka.
Habang nagpapaunlad ang kaaway ng kanyang kapasidad, dapat itong higitan ng BHB sa pamamagitan ng mga pagsasanay at konsolidasyon sa pwersa, higit na mapangahas at aktibong rekrutment at paglulunsad ng mga koordinadong opensiba laban sa pwersa ng AFP-PNP-CAFGU sa rehiyon. Kagyat na aralin ang disposisyon ng 49th IB at iba pang pagbabalasa ng pwersa ng 9th ID. Pahigpitin ang ugnayan at koordinasyon ng mga yunit kumand upang makapaglarga ng mga anihilatibo at koordinadong taktikal na opensibang babanat sa pwersa ng militar. Tanganan ang disiplinang bakal ng BHB at mahusay na pagsasapraktika ng taktikang gerilya upang mabigo kahit ang mga sorpresang atake ng kaaway.
Naninindigan ang RJC BHB-Bikol na sa bawat hakbang pasulong laban sa pasista at teroristang estado ng mamamayang bumabalikwas ay kasama nila ang kanilang tunay na hukbo – ang Bagong Hukbong Bayan.
Biguin ang mala-SEMPO na atake sa Kabikulan!
Ilantad ang mga krimen ng 49th IB! Pananagutin ang AFP-PNP-CAFGU sa kanilang mga krimen laban sa mamamayan!
Biguin ang batas militar ng rehimeng US-Duterte! Isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan!
https://cpp.ph/statement/mapagpasyang-haharapin-ng-rjc-bhb-bikol-ang-berdugong-49th-ibpa/
JUNE 24, 2020

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.