MAGPET, Cotabato – Isang dating miyembro ng Teroristang grupong New People’s Army (NPA) ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Local na Pamahalaan ng Magpet, Cotabato nito lamang Huwebes, June 18, 2020.
Personal na iniabot ng Alkalde ng Bayan ng Magpet na si Hon. Florenito Gonzaga ang tulong pinansyal na nagkahalaga na P40,000 pesos kay alyas Jerry sa kanya mismong tanggapan. Si alyas Jerry na dating miyembro ng Guerilla Front 53 ng teroristang NPA na boluntaryong sumuko sa 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army bitbit ang kanyang Garand Rifle at mga bala. Idinahilan ni alyas Jerry ang matinding hirap at gutom na kanyang naranasan habang nasa loob ng teroristang grupo.
“Ang kanyang pagsuko ay isang patunay na pawang paghihirap at gutom lamang ang dinaranas ng ating mga kapatid na Tribu sa kamay ng mga teroristang NPA. Lubos na nagpapasalamat ang hanay ng 72IB sa Alkalde ng Magpet sa kanyang tulong pinansyal at dininig ni alyas Jerry ang matagal nang panawagan na sumuko at bumalik sa kandungan ng pamahalaan,” wika ni Lt. Col. Rey T Alvarado, pinuno ng 72nd Infantry Battalion.
Ang pagbibigay ng pinansyal na tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Magpet isang hakbang upang matulungan ang mga sumukong rebelde habang inaantay nila ang benepisyong maaari nilang matanggap mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng Pambansang Pamahalaan.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.