Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 7, 2019): Pasistang batalyon, inambus sa Abra
Inambus ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Abra ang mga sundalo ng 24th IB na nag-ooperasyon sa kabundukan ng Tubo, Abra noong Disyembre 1, alas-4 ng hapon. Isang sundalo ang sugatan sa opensiba.
Pusakal na mga tagalabag ng karapatang-tao ang 24th IB. Ang mga sundalo nito ang pangunahing mga alagad ni Jovito Palaparan sa pananalasa ng Oplan Bantay Laya noon sa Central Luzon.
Noong 2006, dinukot ng 24th IB ang mga aktibistang sina Sherlyn Cadapan, Karen EmpeÒo at Manuel Merino sa Hagonoy, Bulacan. Sa kampo ng batalyon sa Limay, Bataan pinatay si Merino at doon din huling nakita sina Cadapan at EmpeÒo. Nang panahon ding iyon, dalawang magsasaka ang pinatay ng nag-ooperasyong mga sundalo sa bintang na mga tagasuporta sila ng BHB.
Nagpatuloy ang mga kabuktutan ng 24th IB nang mailipat sa Abra. Noong 2017, binomba ng batalyon ang mga komunidad sa Malibcong. Nagresulta ito sa pagkawasak ng mga sakahan at sapilitang paglikas ng mga residente. Nagkampo rin ang mga sundalo sa mga eskwelahan at kabahayan, ipinagbawal ang pagpasok ng pagkain, at naghatid ng ligalig sa mga residente. Marami ring kaso ang 24th IB ng sapilitang pagpapasurender, iligal na pag-aresto at pambibintang sa mga aktibista bilang “tagasuporta ng BHB.”
Sa Negros Occidental, nagtamo ng pitong sugatan ang 62nd IB matapos silang sagupain ng mga Pulang mandirigma noong Nobyembre 22 sa Barangay Cansalungon, Isabela. Nangyari ang labanan bandang alas-4 ng hapon. Hinaras naman ng isa pang yunit ng BHB-Negros ang kampo ng CAFGU Active Auxiliary sa Barangay Balogo, Guihulngan City, Negros Oriental noong Nobyembre 30, alas-9 ng gabi.
Sa Northern Samar, isang sundalo ng 20th IB ang napatay sa operasyong haras ng BHB sa Barangay San Francisco, Las Navas. Ilang linggo nang hinahalihaw ng 20th IB ang kanayunan ng Las Navas.
Sa Bohol, dalawang tauhan ng 47th IB ang sugatan matapos silang paputukan ng BHB-Bohol noong Oktubre 24 sa Barangay Rizal, Bilar. Nangyari ang labanan bandang alas-11:40 ng umaga.
Ayon kay Ka Jose Ignacio ng National Democratic Front-Bohol, pinasisingungalingan ng nasabing labanan ang hungkag na pahayag ng AFP-PNP na wala na umanong insurhensya sa prubinsya.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2019/12/07/pasistang-batalyon-inambus-sa-abra/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.