Wednesday, December 11, 2019

CPP/Ang Bayan: Magmobilisa upang tumugon sa epekto ng kalamidad-PKP

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 7, 2019): Magmobilisa upang tumugon sa epekto ng kalamidad-PKP



Nananawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) noong Disyembre 3 sa lahat ng kumand at yunit ng BHB at mga rebolusyonaryong pangmasang organisasyon na maging handa upang tulungan ang mga apektado ng bagyong Tisoy.

“Maaari silang makipag-ugnayan sa mga lokal at internasyunal na grupong nagbibigay ng ayuda upang mabigyan ng karampatang tulong ang mga biktima ng sakuna at upang muling maitayo ang kanilang kabahayan at mga sakahan matapos ang bagyo,” ayon sa PKP.

Nag-anunsyo ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bicol ng isang linggong unilateral na tigil-putukan sa rehiyon upang magbigay daan sa pagpapaabot ng iba’t ibang porma ng ayuda sa residenteng sinalanta ng bagyo. Nagsimula ang tigil-putukan noong Disyembre 6, alas-dose ng umaga at magtatapos sa Disyembre 12, 2019, 11:59 ng gabi.

Inatasan din ng BHB-Southern Tagalog ang lahat ng yunit sa ilalim nito na maglunsad ng operasyong relief at rehabilitasyon sa kanilang mga erya at tumulong sa mga biktima ng bagyo. Nakahanda ang BHB-ST na tumulong sa pagtatayo ng mga nawasak na kabahayan at imprastruktura, gayundin ang pagsasaayos sa mga nasirang sakahan ng mga magsasaka. Paalala ng BHB-ST, responsibilidad ng rebolusyonaryong gubyerno na tiyakin na naaabot ng tulong at suporta ang lahat ng nasalanta at biktima sa rehiyon.

Pinaalalahanan naman ng PKP ang lahat ng yunit ng BHB na maging mapagbantay sa mga atake ng AFP sa gitna ng kalamidad. Tiniyak din ng BHB na pananagutin ang mga dambuhalang kumpanya sa pagmimina, plantasyon, iligal na pagtotroso at mapangwasak na proyektong pang-enerhiya na siyang sumisira sa kalikasan.

Sa inisyal na tala, may mahigit 500,000 kataong apektado ng bagyong Tisoy sa mga prubinsya ng Luzon at Eastern Visayas. Tinatayang hindi bababa sa P811 milyon ang halaga ng pananim ang nasira sa Bicol at Oriental Mindoro. Pinakamatinding tinamaan ng bagyo ang Mindoro, Bicol at Northern Samar.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/12/07/magmobilisa-upang-tumugon-sa-epekto-ng-kalamidad-pkp/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.