Wednesday, December 11, 2019

CPP/Ang Bayan: Tigil-pasada sa Bicol, matagumpay

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 7, 2019): Tigil-pasada sa Bicol, matagumpay



SA KABILA NG panggigipit ng rehimen, matagumpay na nailunsad ng mga tsuper sa Albay at Camarines Sur ang kanilang tigil-pasada noong Nobyembre 25-26. Ikinasa ang welga bilang paglaban sa iskemang “modernisasyon ng dyip” na papatay sa kabuhayan ng mga opereytor, drayber at mga manggagawa sa industriya ng dyip.

Sa unang araw, idineklara ng Condor-PISTON na 97% ng dyip sa Albay ang lumahok sa welga samantalang 85% naman sa Camarines Sur. Nakiisa din ang mga traysikel drayber sa protesta. Samantala, 90% naman sa mga tsuper ang lumahok sa ikalawang araw.

Sa tangkang pigilan ang welga, ginipit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Sorsogon Transport Federation na magpaliwanag sa korte hinggil sa paglahok nila sa tigil-pasada noong Setyembre. Sa Catanduanes, pinuntahan ng mga ahente ng militar ang tagapangulo ng Federation of Virac Tricycle Operators and Drivers Association upang imbestigahan kung sinu-sino sa kanilang grupo ang kasapi ng PISTON.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/12/07/tigil-pasada-sa-bicol-matagumpay/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.