Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 7, 2019): Mula sa mga rehiyon: Asembliya ng kauna-unahang sangay ng Partido sa Panay
Naglunsad ng asembliya noong Oktubre 17-18 ang kauna-unahang sangay ng Partido sa Panay. Itinayo ang sangay taong 1973 mula nang muling maitatag ang Partido Komunista ng Pilipinas. Apatnapu’t anim na taon nang patuloy na pinamumunuan ng sangay ang masa sa kanilang baryo at nagtataguyod sa armadong pakikibaka sa rehiyon.
Inilatag na tema ng asembliya ang “Bigkisin ang pagkakaisa ng mga kasapi ng sangay ng Partido upang pamunuan ang masa. Matapang na labanan ang Oplan Kapanatagan.” Layon nito na pahigpitin pa ang pagkakaisa ng mga kasapi at muling pasiglahin ang pamumuno nito sa mamamayan ng nasabing baryo.
Sa mahabang panahon, dumaan ang sangay sa mga brutal na kampanyang panunupil ng mga nagdaang rehimen laluna sa panahon ng diktadurang US-Marcos. Sa panahong ito, nag-alay ng kanilang buhay ang ilan sa mga unang kasapi ng sangay, at napilitan ding magbakwit ang mga tagabaryo. Dumaan din ang sangay sa mga pakikibaka sa pagdepensa sa kanilang lupang ninuno, pangingibabaw sa mga kalamidad at iba pang problema. Sa kabila ng mga ito, nanatiling matapat ang mga kasapi at ipinagtanggol ang interes ng Partido at nagpatuloy sa pagsuporta sa Bagong Hukbong Bayan.
Umabot sa dalawangkatlo ng kasapian ng sangay ang dumalo sa asembliya. Pinatutunayan nito na bigo ang nag-aastang diktador na si Duterte na maghasik ng takot sa hanay ng Partido. Kanilang sinuma ang kasaysayan ng sangay at nagsilbing inspirasyon sa mga bagong kasapi at kabataang myembro ng Partido ang mga karanasan at tagumpay nito. Humalaw din sila ng mahahalagang aral mula sa kanilang mga tagumpay at kahinaan upang higit pang mapabuti ang pamumuno sa masa. Isa sa matingkad na tagumpay nito ang pagpapanatiling solido ng kanilang hanay sa harap ng malulupit na pagsupil. Isa rin ang sangay sa may pinakamaraming napasampa sa BHB mula 2008.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ng sangay ang bagong kontra-insurhensyang programang Oplan Kapanatagan. Buo ang kapasyahan ng mga kasapi na labanan ang anumang atake ng pasistang rehimeng US-Duterte. Nanindigan din silang mag-ambag sa pagsisikap ng mamamayang Panayanon na biguin ito katulad ng nagdaang mga pasistang rehimen. Nagtapos ang asembliya ng sangay na taglay ang sigla at kahandaang harapin ang mga bagong panawagan at hamon ng Partidoómahigpit na pamunuan ang masa sa pagrerebolusyon at palakasin ang armadong pakikibaka upang pabagsakin ang reaksyunaryong gubyerno ni Duterte.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2019/12/07/mula-sa-mga-rehiyon-asembliya-ng-kauna-unahang-sangay-ng-partido-sa-panay/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.