NPA-Southern Tagalog propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Feb 23): People Power para pabagsakin ang rehimeng US-Duterte
Jaime “Ka Diego” Padilla, Spokesperson
NPA-Southern Tagalog (Melito Glor Command)
23 February 2018
Nakikiisa ang Melito Glor Command – New People’s Army Southern Tagalog sa malawak na sambayanan sa paggunita ng ika-32 taong pagdiwang sa matagumpay na EDSA People Power noong Pebrero 23, 1986 na nagpabagsak sa pasistang diktadurang US-Marcos. Ito ang naging patunay na kayang pabagsakin ng pinagbuklod na lakas ng sambayanan ang isang sagadsaring reaksyunaryo at tutang rehimen.
Sa kabila ng tagumpay na ito, sinalaula ng mga reaksyunaryong anti-Marcos ang mga pagsusumikap ng masa at agad na nagmaniobra upang agawin ang kapangyarihan. Nilapastangan nila ang interes ng masa nang itatag nila ang isang huwad na demokrasyang nagsisilbi lamang sa interest ng mga naghaharing uring mga burgesya komprador, panginoong maylupa, at mga burukrata kapitalista.
Sa panahon ng lumalalang krisis sa bansa sa ilalim ng pasista at nagbabadyang diktadurang rehimeng US-Duterte, kailangan muling magbuklod ng malawak na sambayanan upang ilunsad ang isang kilusang masa na kasing lawak ng EDSA People Power upang pabagsakin ang berdugo at pahirap sa masang si Duterte. Ngunit, dapat maging mapagmatyag ang sambayanan sa tangka ng mga reaksyunaryong muling agawin ang kanilang tagumpay.
Tanging sa pamumuno ng rebolusyonaryong kilusan matitiyak ng mamamayan na matatamasa nila ang tagumpay sa pamamagitan ng pagtatayo ng demokratikong gobyernong bayan.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.