NPA-Southern Tagalog propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Feb 23): Mga atake in Duterte at pagturing na “terorista” ang CPP-NPA-NDFP, desperadong hakbang ng rehimeng US-Duterte
Jaime “Ka Diego” Padilla, Spokesperson
NPA-Southern Tagalog (Melito Glor Command)
23 February 2018
Patuloy na inaatake ng rehimeng US-Duterte ang rebolusyonaryong kilusan sa imbeng pakana nitong ihiwalay ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP) sa malawak na sambayanang Pilipino. Sa petisyon ng Department of Justice na desisyunang isang “teroristang organisasyon” ang CPP-NPA-NDFP, malinaw ang pagkontrol ni Duterte sa mga sangay ng estado bilang isang diktador.
Nais ng rehimeng US Duterte na ilagay sa watch list ang CPP-NPA-NDFP bilang isang teroristang organiasyon sang-ayon sa kanyang among Imperyalistang US. Ang Human Security Act ng reaksyunaryong gobyerno ay nakabalangkas ayon sa Homeland Security Act ng US sa layuning bigyang katwiran ang kanyang walang pakundangang pakikialam at panghihimasok sa mga panloob na usapin ng bansa.
Ngunit taliwas sa gustong mangyari ng rehimeng US-Duterte at mga alipures nito sa reaksyunaryong estado na ihiwalay ang rebolusyonaryong kilusan sa malawak na masa, ang CPP-NPA-NDFP ay patuloy na nagtatamasa ng papalawak at papalalim na suporta ng buong sambayanang Pilipino.
Patunay nito ang kabiguan ng mga nagdaang rehimen na durugin ang CPP-NPA-NDFP. Sa halip na humina ay lalo pang lumawak at lumakas any rebolusulnaryong kilusan sa Timog Katagalugan at sa buong bansa. Ang 5 dekadang armadong pakikibaka ng mamamayan sa pamumuno ng CPP-NPA-NDFP ay malinaw na ebidensya na hindi kailanman naging isang teroristang organisasyon ang CPP-NPA-NDFP sa mata ng malawak na masa. Lubusan nilang tinatangkilik ang rebolusyon bilang sarili nilang pakikibaka taliwas sa gustong palabasin ng rehimen. Patunay dito ang matatagumpay na operasyong militar ng NPA na sinuportahan at nilahukan ng masa. Pinakahuli ang makatarungang pamamarusa sa Philippine National Police-Special Action Force na nagsasawa ng mga operasyong kombat sa mga komunidad ng bayan ng Baras, Rodriguez, Tanay, Antipolo, Pillia at Jala-jala pawang sa probinsya ng Rizal. Gusto ng rehimeng US-duterte na palayasin ang mga Dumagat , Remontado at mga settler sa mga lugar na ito na saklaw ng mga proyektong Laiban Dam, ATN Solar Project, Energy Project at iba pang mapanirang proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build ng rehimen.
Ang ginagawa ng rehimen ay pagpapakita ng kanyang tunay na kulay at anyo sa kabila ng kanyang mala-hunyangong pakitang taong makamahirap at para sa mamamayang pilipino. Isa siyang traydor sa bayan nang ibuyangyang niya sa mga dayuhan ang patrimonya at soberanya ng bansa sa kanyang mga among imperyalistang bansa tulad ng US at China. Kung kaya, Alan ng mamamayan kung sino ang totoong terorista sa bansa.
Hindi malinlang ni Duterte ang masa. Napakaraming krimen ni Duterte sa sambayanan para paniwalaan ang ipinapalaganap niyang kasinungalingan sa pamamagitan ng “fake news” at paratang sa rebolusyonaryong kilusan para pagtakpan ang kanyang mga kaso sa bayan. Hahatulan siya ng bayan at tulad ng kanyang iniidolong si Marcos, itatapon si Duterte sa basaruhan ng kasayasayan at muling mabubuhay ang nag-aalimpuyong kilusang bayan na magpapabagsak sa kanyang reaksyunaryo, tiraniko at pasistang rehimen.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.