Friday, August 25, 2017

CPP/Ang Bayan: Badyet 2018 ni Duterte, kontra-mahirap

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Aug 21): Badyet 2018 ni Duterte, kontra-mahirap

SA UNANG ARAW ng deliberasyon ng badyet para sa 2018 pambansang badyet, pinansin ng Gabriela Women’s Party ang diin nito para sa konstruksyon ng malalaking proyektong imprastruktura (mahigit isang trilyon) habang napakaliit ang inilaan para sa mga proyektong pabahay para sa mahihirap (P1.4 bilyon). Anang Gabriela, matatawag itong badyet para sa demolisyon dahil tiyak na malawakang dislokasyon ng mga maralitang komunidad ang kahahantungan ng programa sa imprastruktura ng rehimen. Hindi bababa sa P48 bilyon ang nakalaan para sa “right of way” pa lamang, na mangangahulugan ng pagdemolis ng maraming komunidad para ilatag ang mga daan.

Binatikos ng Gabriela si Duterte sa kawalang-interes nitong resolbahin ang kakulangan sa pabahay. Anito, ang badyet na inilaan ay makagagawa lamang ng mahigit 6,000 yunit ng murang pabahay, malayong-malayo sa 5.7 milyong kinakailangan.

Samantala, kinundena ng Kabataan Partylist ang pagbabawas ng badyet para sa 43 pampublikong unibersidad at kolehiyo sa susunod na taon. Masahol pa, inaasahan ng estado na kumita ang naturang mga unibersidad at kolehiyo nang mahigit P44 bilyon mula sa kani-kanilang mga operasyon. Ang P13.2 bilyon nito ay inaasahang manggagaling sa pangungulekta ng matrikula, taliwas sa isinabatas kamakailan na “libreng matrikula.” Malaking kabalintunaan na sa kabila ng batas na ito, itinutulak ng mga patakarang neoliberal ang mga SUC sa komersyal na operasyon na hindi maglalao’y papasanin rin ng mga estudyante.

[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170821-badyet-2018-ni-duterte-kontra-mahirap/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.